Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 30 October 2021

Poso artesyano na nagbobomba mag-isa ‘nagpatindig-balahibo’



  • Pinag-usapan ng mga netizens ang isang video
  • Makikitang umaandar mag-isa ang isang poso artesyano
  • Tanong ng marami, kababalaghan o siyensya?

Ano ang gagawin mo kung makikita mo ang isang poso artesyano na umaandar mag-isa at wala namang taong bumobomba rito?

Iyan ang ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang ‘Jonathan Abad Grospe’ sa kaniyang Facebook post kung saan ibinahagi niya ang kuhang video ng isang poso artesyano o sa Ingles ay old-style water pump o artisan well na mag-isang umaandar at nagpupuno ng isang timba.

Imahe mula sa Facebook account ni Jonathan Abad Grospe

“Yung mag-isa ka lang sa bahay tapos pupunta ka sa likod para umihi tapos ‘yan makikita mo,” caption ng netizen sa kaniyang Facebook post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. May ilang nagsabing baka may nagmumulto, subalit mas marami ang bumatay sa siyensya at sinikap na ipaliwanag kung bakit nangyayari ito.

“Kung totoo ‘yan hindi ‘yan normal. Dahil sa tagal naming may poso hindi nagbobomba mag-isa kung overflow naman ‘yan, hindi gagalaw yung pambomba, tuloy-tuloy lang yung pag-agos ng tubig,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Hindi naman masyadong nakakatakot. Mas nakakatakot sa province namin. Yung pinag-igiban, hinahatid pa sa Ate ko. Nagkagusto sa kaniya multo. Kaya laging buntis si Ate. Hahaha.”

“Baka multo ‘yan? Pasalamat ka na lang sa multo kasi masipag siya, may silbi at hindi nananakot lang hahaha,” pabirong banat naman ng isa.

Paliwanag naman ng isa, “Wala kang dapat katakutan. Malakas lang siguro ang pressure kaya ganiyan. Mabigat ang pambomba kaya hindi kakayanin ng multo ‘yan hehehe. Huwag takutin ang sarili.”

Public Domain Image

“Kung pressure man ‘yan hindi ‘yan magpabalik-balik yung handle niya, lakas bulwak ng tubig at nakababa lang yung handle, for sure may kababalaghang nangyayari. Ipa-feature mo kay Jessica Soho at ipatawag si Ed Caliwag hahaha,” mungkahi naman ng isa.

Ang poso artesyano ay isa sa mga pinakaluma at pinakamatandang paraan ng pagkakaroon ng tubig, mas moderno sa balon o well na isang malaking hukay ng lupa.

Ikaw, ano ang sapantaha mo rito? Panoorin ang video via Facebook:


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot