
- Nakiusap si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa DSWD na huwag nang pahirapan pa ang mga residente sa pagkuha ng financial assistance
- Maging ang mga residenteng bedridden ay pinapupunta pa umano ng DSWD sa payout sites para sa beripikasyon ng kanilang pagkakakilanlan
- Kung anu-anong dokumento pa raw ang hinihingi ng DSWD sa mga benepisyaryo ng cash assistance
Umapela si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pakitaan ng pagmamalasakit ang mga residenteng may karamdaman na benepisyaryo ng financial assistance.

Ayon kay Mayor Belmonte, umabot sa kanyang kaalaman ang tungkol sa mga residenteng nahihirapang magtungo sa mga payout sites para makakuha ang ayuda dahil sa kanilang medical condition.
Maging ang mga residenteng bedridden ay pinapupunta pa umano ng DSWD sa payout sites para sa beripikasyon ng kanilang pagkakakilanlan.
“May report akong natanggap na pati bedridden pinilit na papuntahin sa payout site para lang sa verification. Hindi naman makatao ‘yun,” sabi ni Mayor Belmonte.
Ilang barangay din ang nag-report kay Mayor Belmonte na hindi raw kinikilala ng DSWD ang kanilang Barangay ID at inoobliga ang mga residente na mag-submit ng residency certificate.
“After the verification, when our QC Social Services Development Department personnel have finished passing, the DSWD will check again. Minsan naman, hinihingan pa ng kung anu-anong dokumento. Sila ang nasa listahan precisely because they received the first tranche of assistance, so why prolong their agony? Given the volume of beneficiaries we handled and that of the waitlisted now, it is indeed reprehensible why the DSWD is making it difficult for our QCitizens,” sabi pa ng alkalde.

Ayon pa kay Mayor Belmonte, mabagal ang pagbibigay ng financial assistance dahil iilan lang ang DSWD personnel sa payout sites at hindi pinapayagan ang City Treasurer’s Office at mga kawani ng barangay na tumulong sa pag-release ng cash assistance upang mapabilis ang sistema.
Aniya, malalim na ang gabi bago natapos ang pamahahagi ng ayuda sa ilang barangay habang sa Barangay Bagbag ay inabot ng alas-tres ng madaling araw.

No comments:
Post a Comment