Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 30 October 2021

Mga ‘pagodang’ mannequin kinaaliwan



  • Nakakita ka na ba ng mga pagod na mannequins?
  • Iyan ang makikita sa isang Facebook page
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

Napapagod din kaya ang mga mannequin? Kung makapagsasalita at makagagalaw lamang sila, ano kaya ang mga hinaing nila?

Malamang daw ay pagod na pagod din sila sa halos maghapon at magdamag na pagkakatayo, batay na rin sa Facebook page na ‘Umm Sudaya Onlineshopping’ kung saan makikita ang mga larawan ng manequins na pagod na pagod na sa kanilang mga ginagawa, o sa salitang balbal ay ‘Pagoda Mirasol.’

Imahe mula sa Facebook page na Umm Sudaya Onlineshopping

Makikita sa post ang larawan ng mga mannequins na kung hindi nakahukot o nakakuba na sa pagkakatayo, ay nakalupasay na sa sahig.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Pasalamat tayo sa mga mannequins, kung hindi, mga totoong tao ang gagawa niyan. Ano nga kaya no? Totoong mga tao ang gawing model? Wala pa akong nakikitang boutique na mga totoong tao ang ginawang mannequins. May makakaisip kaya ng idea ko?” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Mabuti na lang at may nakaisip na gumawa ng mga mannequins kundi totoong mga tao ang gagawing model niyan. Mahirap kaya ang trabaho ng mga sales lady. Halos maghapong nakatayo, kailangan laging nakangiti, saka tagaayos ng mga damit o gamit na ginulo at guguluhin ulit, hindi naman bibilhin.”

“Grabe naman ang mga mannequins na iyan hahaha, parang kulang sa kain. Get up girls! Kung ang mga mannequins na ito ay napapagod, paano pa kaya ang mga tunay na tao? Ewan ko ha, pero malalim ang pagtingin ko rito,” wika naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Umm Sudaya Onlineshopping

Kailan nga ba nagsimula ang paggamit ng mga mannequins?

Ang mannequin ay isang articulated doll na ginagamit ng mga artists, tailors, dressmakers, window-dressers at iba pa para sa display at fit clothing. Sinasabing nagsimula ang paggamit nito noong ika-15 siglo, sa layunin nito hanggang ngayon na ipakita ang fashion sa mga customers.

Ngunit hindi lamang sa industriya ng dress-making ginagamit ang mga mannequins. Ang mga life-sized dolls na may simulated airways ay ginagamit sa pagtuturo ng first aid, CPR, at advanced airway management skills gaya ng tracheal intubation. Sa mga paaralan o ospital, ginagamit ito upang makita ang Human Anatomy.

Public Domain Image

Noong 1950s, ginamit ang mga mannequins para sa nuclear tests na naglalayong maipakita ang epekto sa tao ng nuclear weapons.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot