Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 30 October 2021

Excuse letters sa paaralan at trabaho para makanood ng Miss Universe kinaaliwan



  • Nagdulot ng katatawanan ang dalawang uri ng excuse letters sa social media
  • Isang pampaaralan at isang pantrabaho
  • Para ito sa panonood ng Miss Universe 2020

Kagaya ng laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquaiao, tila nakaugalian na ng mga Pilipino na pansamantalang tumigil at tumutok sa live coverage sa telebisyon, ng mga prestihiyosong beauty pageants na nilalahukan ng mga Pilipina, partikular na ang Miss Universe. Tila isang paraan ito ng pagsuporta sa ating kandidata.

Kaya naman kinaaliwan sa social media ang mga witty excuse letters para sa paaralan at trabaho para lamang mapanood ang pakikipagtagisan ni Rabiya Mateo sa iba pang mga kinatawan ng iba’t ibang bansa. Una na riyan ang excuse letter na ginawa ng college student na si Jenny de los Santos ng West Visayas State University sa Iloilo City, na hometown din ni Rabiya.

Imahe mula sa Facebook post ni Jenny de Los Santos / Public Domain Image

“Philippines is one of the powerhouses in the world of pageantry and our candidate every year brings pride and honor to our country,” panimulang talata sa kaniyang liham, na makikita sa kaniyang Facebook post.

“I would like to inform you that on Monday, May 17, 2021, I may not be able to attend our virtual class (if there is) for I’ll be watching the Most Beautiful Day in the Universe.”

“Not supporting our very own Rabiya O. Mateo, Miss Universe Philippines 2020, will make me fail not only as a Filipino but also as an Ilonggo.”

Aniya, ito ay katuwaan lamang at hindi naman niya akalaing bebenta ito sa mga netizens at pag-uusapan. Subalit seryoso raw siya sa mga sinabi niya na buong-buo ang suporta niya sa kababayang si Rabiya.

Samantala, may office version naman nito para sa mga nagnanais na mag-file ng leave sa trabaho para lamang mapanood ang ‘The Most Beautiful Day in the Universe.’

“In relation to this, I would like to inform you that on Monday, May 17, 2021, I may not be able to attend and report for work, for I’ll be watching the Most Beautiful Day in the Universe. Rest assured that I’ll be doing my responsibilities and work after that,” saad naman sa naturang liham.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Sinabi nila na wala naman sigurong masama kung hihinto ang lahat, kahit nasa paaralan o trabaho man, para lamang ipakita ang suporta kay Rabiya Mateo sa araw ng kaniyang laban.

Kaya naman sabay-sabay nating isigaw, ‘Ariba Rabiya!’


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot