Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 30 October 2021

Netizens pinuna ang hosting style ni Olivia Culpo, iba’t ibang memes lumabas



  • Pinuna ng mga netizens ang ipinamalas na hosting style ni dating Miss Universe 2012 Olivia Culpo
  • Mababa raw ang enerhiya niya, gayundin ang kaniyang partner na si Mario Lopez
  • Nagbigay ng haka-haka ang ilan sa dahilan ng kaniyang performance at ginawan pa siya ng mga memes

Bukod sa naging resulta ng Miss Universe 2020 na ginanap sa Florida, USA nitong Mayo 17, 2021, isa sa mga hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng netizens ang hosting style na ipinakita ng mga bagong hosts nito na sina Mario Lopez at dating Miss Universe 2012 na si Olivia Culpo.

Pinuna ng mga netizens ang tila kalmado at mababang enerhiya ng dalawa, lalo na si Olivia, na kapansin-pansin umano sa pagtatawag niya ng mga kandidatang nakapasok sa top 21, top 10, at top 5.

Public Domain Image

Maging ang mga sikat na Pinoy celebrities ay hindi napigilang magbigay ng kanilang reaksyon sa ipinamalas na hosting ni Olivia. Isa na rito si Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda na mukhang sumusubaybay at nagpapahayag ng kaniyang komento sa Twitter.

“Wala sa sarili si Olivia. Balisa! Bukas ba 3rd eye mo te?” saad sa Twitter post ni Vice Ganda. Dagdag pa niya sa isang Twitter post, “Commercial break. Upo muna Ate Olivia. Hingang malalim. Inom tubig then shake shake shake!”

Hindi rin nagpapigil ang sikat na komedyante/host na si Mamang Pokwang.

“Ito namang host na girl si Olivia Culpo tamad na tamad lang teh? Waz energy teh? Jusko kung magaling lang ako mag-English ako na diyan teh pahinga ka muna!” sabi ng komedyante sa kaniyang Twitter post.

Patok naman ang TikTok videos ni Macoy Dubs na nakapost din sa kaniyang Facebook account.

“Sis Olivia konting energy lang sis, keribooz? Sis, konting energy naman…” saad ni Macoy, at nag-demo pa siya kung paano dapat magtawag ng mga bansa, na pang-Miss Universe level.

At syempre, pati ang dating Miss Universe-Philippines candidate na si MJ Lastimosa na nasa mismong venue nang mga sandaling iyon, hindi rin napigilang magkomento.

Public Domain Image

“Kaya mo pa siguro Miss Olivia, andito si JT (Janine Tugonon) kung hindi na,” saad ni MJ sa kaniyang Twitter post na isa sa mga sumuporta sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo. Si Janine Tugonon ang first runner-up ni Olivia noong Miss Universe 2012. Nagbiro pa ang mga netizens na kung hindi raw magagampanan ng Miss Universe ang kaniyang tungkulin, papalitan siya ng first runner-up.

Samantala, may ilan din namang nagbigay ng haka-haka na kaya mababa ang enerhiya ni Olivia ay dahil co-host niya si Demi Leigh Nel-Peters, asawa ni Tim Tebow, na naka-date ni Olivia noon.

“Story time: Kaya Lutang si Ms. Olivia kanina sa Miss Universe. Olivia (Miss U 2012) dated Tim Tebow. (Former American Football Player). Tim Tebow married Demi-Leigh in 2020. If that rings a bell, it’s because she was crowned as Miss Universe 2017. They met again for Miss U today,” saad sa social media.

Public Domain Image

Hindi rin nawala ang iba’t ibang memes patungkol kay Olivia, at marami rin sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na ibalik si Steve Harvey bilang host nito sa susunod na taon.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot