Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Sunday, 31 October 2021

Magsasaka sa Cagayan nakahukay ng buto at pangil ng Stegodon


Imahe mula sa KMJS
  • Nakahukay ng fossil ng Stegodon ang isang magsasaka sa Cagayan
  • Mga buto at pangil ng Stegodon ang nahukay ng magsasaka ng mais
  • Planong ibenta ng magsasaka ang fossil sa halagang P300,000

Isang magsasaka ng mais sa Cagayan ang nakahukay ng mga fossils na pinaniniwalang mula sa Stegodon, ninuno ng mga elepante na nabuhay sa Asya, Africa  at North America mahigit 11 milyong taon na ang nakalilipas.

Imahe mula sa KMJS

Ayon sa magsasaka na itinago sa pangalang “Ross,” nagbubungkal siya noon sa taniman niya ng mais nang mahukay ang tila pangil at buto ng malaking hayop. Nagsagawa siya ng pagsasaliksik sa internet upang alamin kung ano ang mga bagay na kanyang nahukay.

Batay sa pagsusuri niya, kahawig ng mga buto at bagang ng Stegodon ang mga nahukay niya.

Sabi ni Ross, plano niyang ibenta ang mga fossils sa halagang P300,000. Isang fossil collector ang nagsabing handa siyang magbayad ng P50,000 para sa dulo ng tusk ng Stegodon.

Malakas ang kutob ni Ross na mga labi ng Stegodon ang nahukay niya dahil noong  taong 1973 ay may nahukay din na Stegodon fossil malapit sa lugar kung saan niya nahukay ang mga pinaniniwalaang buto at pangil.

Nagpadala ang Kapuso Mo, Jessica Soho  ng larawan at video ng mga bagay  na nahukay ni Ross kay Dr. Alyssa Peleo-Alampay, isang Paleontologist sa UP National Institute of Geological Sciences.

Imahe mula sa KMJS

Sa pagtataya ni Dr. Alampay, fossil nga ang nahukay ni Ross, subalit kailangan pa raw niyang mahawakan at makita ang mga iyon nang personal upang makatiyak.

Ipinaalala naman ni Mylene Q. Lising ng Cultural Deputy for Cagayan Valley National Museum of the Philippines na hindi dapat ipinagbibibli ang mga fossil na nahukay. Dapat daw iyong ibigay sa pamahalaan.

Imahe mula sa KMJS

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot