Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 30 October 2021

Miniature sari-sari store ng isang artist sa Parañaque City nagdulot ng ngiti



  • Kinabiliban ang isang self-taught miniature artist sa Parañaque City
  • Lumikha kasi siya ng isang makatotohanang miniature sari-sari store
  • Namangha ang mga netizens dahil nakuha niya kahit ang mga kaliit-liitang detalye 

Hindi naiwasan ng mga netizens na humanga sa masinsing detalye na makikita sa miniature sari-sari store ng isang artist mula sa Parañaque City, na  sinimulan umanong gawin noong Pebrero 2021 at natapos lamang nitong buwan ng Mayo.

Makikita sa Facebook post ng miniature artist na si ‘Chino Yuseco Tolentino’ ang kaniyang commissioned project para sa kaniyang kaibigan.

Imahe mula sa Facebook account ni Chino Yuseco Tolentino

“1/12 scale miniature of a cultural icon: the sari-sari store,” caption ng miniature artist sa kaniyang post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Sa biglang tingin, aakalaing totoong-totoo ang naturang sari-sari store, tipong nakatirik talaga sa lupa. Kuhang-kuha kasi ng artist ultimo ang kaliit-liitang detalye, maging sa mga paninda.

“The BBQ, the posters and everything else! I cannot! Paano mo nagawa ‘yan?” manghang sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “My gosh Mr. Chino Yuseco your talent is out of this world! Yung trash bin with the plastic? Grabe talaga.  Saludo tlga ako sa ‘yo. This is pure talent and skills!”

“Akala ko talaga tunay na tindahan! Napakalupit naman ng miniature artist na ito!” wika naman ng isa.

Ayon sa miniature artist, nakadepende sa sukat at detalye ng artwork ang halaga ng isang miniature project. Upang makatipid, gumagamit siya ng mga niresiklong materyales.

Imahe mula sa Facebook account ni Chino Yuseco Tolentino

Bagama’t isang property master, libangan din ni Tolentino ang pagguhit at paglikha ng portraits, subalit higit na nasisiyahan siya sa paglikha ng mga miniatures. Bata pa lamang daw siya, mahilig na siya sa mga laruan at miniatures, ngunit nagsimula siyang gumawa nito dalawang taon na ang nakalilipas. May nakita kasi siyang diorama na nais niya sanang bilhin, subalit nagdesisyon siyang gumawa na lang.

Marami pa siyang mga obra maestra na matatagpuan sa kaniyang Facebook account. Napakahusay niya, ‘di ba?


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot