Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 30 October 2021

Masayang Pasko naghihintay sa mga Pinoy sa inaasahang pagdating ng maraming bakuna


Imahe mula sa PNA
  • Sa pagdating ng maraming bakuna na in-order ng pamahalaan ay inaasahang magiging masaya ang Pasko ng mga Pilipino
  • Sa ulat ni Sec. Galvez, ang mataas na target ng herd containment ay maaabot kapag nabakunahan ang 50 milyong mamamayan sa buwan ng Setyembre
  • Inaasahan na ang lahat ng Pilipino ay mababakunahan sa 2ndquarter ng 2022

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 25 hanggang 50 milyong mamamayan bago matapos ang 3rd quarter ng taon bilang bahagi ng goal nito na magkaroon ng masayang Pasko ngayong taon.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Sinabi ni National COVID-19 Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar na si Sec. Carlito Galvez na ang 25 million ay magmumula sa mga vulnerable sectors na kinabibilangan ng mga health care workers, senior citizens at ang mga mayroong comorbidities.

“Our target is we should have a better Christmas this year. So our strategy is to achieve the 25 million, the most vulnerable. According to WHO (World Health Organization), this is what we call burden of disease, burden of death and burden of hospitalization,” pahayag ni Sec. Galvez.

Kapag nabakunahan na raw ang 25 milyong mamamayan ay makakamit na ang tinatawag niyang “initial herd containment.”

Sa ulat ni Sec. Galvez, ang mataas na target ng herd containment ay maaabot kapag nabakunahan ang 50 milyong mamamayan sa buwan ng Setyembre.

“Vaccines will be the key to eliminate the COVID crisis. Vaccines are not coming in trickles, and are now coming in volumes,” aniya.

Imahe mula sa OneNews

Umaasa rin si Presidential Spokesperson Harry Roque na sa pagdating ng mga bakunang in-order ng gobyerno ay magkakaroon ng masayang Pasko ang mga Pilipino.

“Ngayong Mayo, inaasahan natin na aabot sa mahigit labing isang milyon or 11,364,000 doses,” ani Sec. Roque.

“Sa awa ng Diyos at ang patuloy na magpapatupad ng ating Covid-19 plan, harinawa ay magiging masaya ang ating Pasko kung saan makakasama natin ang ating pamilya at mahal sa buhay,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa PNA

Inaasahan na ang lahat ng Pilipino ay mababakunahan sa 2nd quarter ng 2022.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot