Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 30 October 2021

Anti-covid nasal spray na kayang puksain ang 99.9% ng virus isang magandang balita – Panelo


Imahe mula sa Times of Israel
  • Masayang ibinalita ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang tungkol sa nasal spray na kayang puksain ang 99.9% ng virus particles
  • Ang produksyon ng nasal spray ay sinimulan na sa bansang israel
  • Inilarawan ng imbentor nito na si Dr. Gilly Regev ang nasal spray bilang “hand sanitizer equivalent for the nose”

Ibinalita ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa kanyang commentary show na “Counterpoint” ang isang nasal spray na isa umanong lifesaver para sa mga bansang tinamaan ng COVID-19 pandemic dahil kaya umano nitong puksain ang 99.9% ng virus particles.

Screenshot mula sa PCOO video

Isa umanong magandang balita ang pagkakagawa ng Nitric Oxide Nasal Spray (NONS) na pinaniniwalaang mabisa kontra sa COVID-19.

“Magandang balita ‘yun. Ibig sabihin, sa madaling sabi, meron po tayong puwedeng gamitin na makapipigil ng pagpasok ng coronavirus sa ating katawan,” aniya.

“’Yung pang-spray na tinatawag is the only noble therapeutic treatment na so far naaprubahan na talagang nagpapababa ng bilang ng virus sa katawan ng tao. Siguro ito na ang kasagutan sa mga dasal natin araw-araw, gabi-gabi sa ating Dakilang Lumikha,” dagdag pa ni Atty. Panelo.

Ang produksyon ng NONS ay sinimulan na sa bansang israel.

“We are hoping that our nasal spray will now save many lives of people in countries that are waiting for the vaccine. This will be affordable and can be used for prevention, to protect from any respiratory viral infection,” pahayag ni Dr. Gilly Regev,  isang biochemist na lumaki sa Israel at co-founder ng kumpanyang SaNOtize na imbentor ng NONS na tinawag na Enovid.

Imahe mula sa Times of Israel

Inilarawan ni Dr. Regev ang Enovid bilang “hand sanitizer equivalent for the nose.”

Ang Israel ang unang bansa na magbebenta ng Enovid. Binigyan  ng Ministry of Health ng interim approval ang pagbebenta ng nasal spray bilang isang medical device na maaaring gamitin ng mga taong may edad 12 pataas.

Isinasaad sa packaging ng Enovid na iyon ay “Scientifically tested and proven to kill 99.9% of viruses within 2 minutes.”

Imahe mula sa Times of Israel

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot