Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Sunday, 31 October 2021

DITO inilunsad na sa NCR; may offer na 25GB, unli text at 300 mins call sa halagang P199


Imahe mula sa Facebook DITO
  • Available na sa Metro Manila ang DITO simula nitong Lunes, Mayo 17
  • Maaari na ring mabili ang kanilang SIM card sa Lazada, Shopee at DITO eShop
  • Ang sim card ay may kasama nang promo at nagkakahalaga ito ng P199

Makaraan ang mahigit dalawang buwan simula ng kanilang commercial launch, pormal nang inilunsad ng DITO Telecommunity ang kanilang serbisyo sa National Capital Region (NCR) nitong Lunes, May 17.

Mabibili na rin ang kanilang sim card sa mga online shop tulad ng Shopee at Lazada, at sa kanilang sariling DITO eShop sa halagang P199.

Imahe mula sa Shopee

Ang kanilang kasalukuyang promo ay may 25GB ‘high speed’ data, unlimited texts  sa lahat ng mobile networks, unlimited DITO-to-DITO Calls, at 300 minutes na libreng tawag sa ibang mobile networks.

Ang DITO ay consortium ng kompanyang pag-aari ni Davao-based businessman Dennis Uy at ng state owned China Telecommunications at tinaguriang third telco sa bansa na makikipagsabayan sa mga higanteng telco n Globe at Smart/PLDT.

Pormal na inilunsad ng DITO ang kanilang network services sa ilang lungsod sa Visayas at Mindanao noong Marso 8 at nito lamang Lunes naging available sa Metro Manila.

Imahe mula sa Facebook DITO

Batay sa Facebook post ng DITO, valid ang kanilang promo sa mga lungsod sa NCR tulad ng  Manila, Quezon City, Muntinlupa, Paranaque, Pasay, Taguig, Pateros, Makati, Pasig, Mandaluyong, San Juan, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Marikina at Las Piñas.

Valid din ito sa mga piling bayan sa ibang bahagi ng Luzon kung saan sila una nang naglunsad. Kabilang dito ang ilang bayan sa Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Imahe mula sa Facebook DITO

Nauna nang sinabi ng pinakabagong telco sa bansa na layon nilang makuha ang 30 porsiyento ng mga kasalukuyang subscribers. Madali na umano itong makamit sa oras na umabot na sa 84 porsiyento ng populasyon ang kanilang coverage.

“By that time, our population coverage will be at par, if not better, than the incumbents and we will be fighting toe-to-toe on market share. We’re not contemplating on achieving that commitment of 84 percent in five years. We want to achieve that very early on,” wika noon ni DITO chief technology officer Rodolfo Santiago.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot