Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 30 October 2021

Lolang aksidenteng naipanggatong ang P14,000 na naipon happy na matapos makatanggap ng tulong


Imahe mula sa Inside Nueva Ecija Facebook page
  • Masaya na si Lola Hinorata dahil sa tulong na natanggap mula sa gobernador ng Nueva Ecija
  • Hindi sinasadyang nasunog sa kalan ang pitaka niya na naglalaman ng mahigit P14,000
  • Nagpadala si Gov. Aurelio Matias Umali ng P14,000 sa matanda na labis nitong  ikinagalak

Happy na ngayon ang 95-anyos na lolang aksidenteng naipanggatong ang perang naipon na nagkakahalaga ng P14,000 matapos tumanggap ng tulong mula sa gobernador ng Nueva Ecija. Matatandaang labis na ikinalungkot ni lola Hinorata Gahis ang nangyari kung saan aksidenteng nahulog sa kalan ang kanyang pitaka na naglalaman ng pera nang hindi niya namalayan.

Imahe mula sa Facebook account ni Sarahlie Gahis De Guzman

Batay sa kwento ng apo na si Sarahlie Gahis De Guzman, nagluluto umano ang lola niya nang mangyari iyon.

“Nung tumayo siya para ilagay ‘yung painitan ng tubig, doon po siguro nalaglag ‘yung pitaka niya. Hindi niya po namalayan. Sa ‘di inaasahang pangyayari ay naigatong o nasunog po ang kanyang pera P14,000 mahigit po,” sabi ni Sarahlie.

Ang pera ay  matagal daw na inipon ni lola Hinorata galing sa pensiyon ng kaniyang namayapang kabiyak na isang sundalo. Plano sanang iwan ng matanda ang naturang halaga sa kaniyang mga anak at apo kapag “wala” na siya.

Nakaabot kay Nueva Ecija Governor Aurelio Matias Umali ang malungkot na nangyari sa pera ni lola Hinorata kaya agad niya itong ipinahanap upang tulungan.

Agad namang naiparating ang P14,000 mula kay Gov. Umali na labis na ikinagalak ng matanda na nangakong iingatan na iyon.

Imahe mula sa Inside Nueva Ecija Facebook page

Maraming netizens din ang nagpahayag na nais nilang magpaabot ng tulong sa matanda matapos mag-viral sa social media ang nangyari.

“Is there a way to contact lola? Or any way we can give our help to her?” ayon sa isang social media user.

 May isa namang nagsabi na dapat idulog sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang insidente at alamin kung mapapalitan pa ang nasunog na pera.

Ayon sa isang opisyal ng BSP,  maaaring mapalitan ang napinsalang pera kung may natitira pang 60 percent sa sukat nito, mayroon pang pirma, at security thread sa pera.

Imahe mula sa Facebook account ni Sarahlie Gahis De Guzman

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot