Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 30 October 2021

‘Kumikitang kabuhayan’ ng isang lalaki kinaaliwan



  • Kinaaliwan ang isang kakaibang diskarte ng pagkita ng pera ng isang lalaki
  • May bayad kasi ang pagtatanong sa kaniya gayundin ang pagpapasama
  • Wala namang nakikitang masama rito ang mga netizens; mas mabuti na raw ito kaysa gumawa nang masama

Simula nang mangyari ang pandemya sa Pilipinas at maging sa buong mundo, lumabas ang iba’t ibang diskarte ng mga Pilipino kung paano kumita ng pera. May ilang mga nagnegosyo, at may mga serbisyong talaga namang naging in-demand, lalo na ang delivery service.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang ‘kumikitang kabuhayan’ na ibinahagi sa Facebook post ni Ricky Sabugar, at naitampok pa sa Facebook page na ‘Viral Photos.’

Sa mga larawan, makikita ang isang lalaking may nakasabit na paskil at ito ang kaniyang diskarte: sa bawat tanong sa kaniya ng direksyon ng mga delivery riders ay may bayad na 5 piso at kapag magpapasama naman ay 10 piso.

Imahe mula sa Facebook account ni Ricky Sabugar

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Wow, hahaha, ang galing naman na diskarte nito! Parang public CR lang ah. 5 piso sa ihi, 10 piso sa dumi hahahaha,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Iyan ang diskarteng Pinoy! Kaysa naman sa magnakaw o gumawa ng masama si Kuya, palagay ko okay na iyan hahaha.”

“Hahahaha ang witty naman ng diskarte ni Kuya hahaha. Totoo ba ‘yan? Let us support him hahaha,” pahayag naman ng isa.

Sabi naman ng isa, “Kung business-minded ka, I think wala namang masama sa ginagawa niya. Mas mainam pa nga iyan kaysa naman sa gumawa pa siya nang masama. Hayaan na natin siya, good vibes lang.”

Marami nga ang nagkumpara sa kaniya sa isang pampublikong palikuran na may bayad din ang paggamit. Ginagamit kasi ito para sa maintenance ng mga naturang pasilidad.

Imahe mula sa Facebook account ni Ricky Sabugar

Kakaiba nga ang naisip na paraang ito ng pagkita. Nakatulong ka na sa kapwa, nagkapera ka pa.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot