Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Tuesday, 27 September 2022

Viral public advisory ng Puregold na nagdulot ng ‘kalituhan’, naitama na


Imahe mula sa Facebook
  • Nagdulot ng kalituhan sa kanilang mga kustomer ang isang poster ng Puregold
  • Paalala sana ito sa publiko tungkol sa umiiral na IATF guidelines
  • Kaagad namang itinama ng Puregold ang nag-viral na ‘IATF public advisory’

Naitama na ang poster ng Puregold na nag-viral sa social media matapos itong magdulot ng kalituhan, kasama na rin ang ngiti, sa mga netizens na napansin agad ang nasasaad na pagkakamali.

Ang poster ay bilang paalala sa kanilang mga kustomer tungkol sa umiiral na guidelines ng IATF para sa mga pinapayagang lumabas lamang ng bahay ngayong nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ‘with heightened restrictions’ ang NCR Plus.

Imahe mula sa Facebook

Ayon sa poster na kumalat ang larawan so social media: “16yrs. Old to 65yrs. Old ARE NOT ALLOWED TO ENTER THE STORE.”

“Under supervision of IATF all business establishments will not allow to enter at the age of 16yrs. old to 65 yrs. old under GCQ/General Community Quaranty,” dagdag pa ng kanilang public advisory.

Bukod sa taliwas ito sa IATF guidelines, hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens ang tila maling grammar at spelling na nagamit sa poster.

Nasasaad sa umiiral na panuntunan ng IATF na yaong mga edad 17 pababa at 66 anyos pataas lamang ang hindi pinapayagang lumabas ng kanilang tirahan sa NCR Plus.

Imahe mula sa GMA News

Nitong Biyernes, kinumpirma ng Puregold na naitama na nilang ang ‘nakalilitong’ poster at napalitan na rin ito.

“We heard you! At napalitan na natin ang signage,” ayon sa komento ng Puregold sa kanilang Facebook page.

“At least, napatunayan natin na nagbabasa talaga ang mga ka-Puregold! And most importantly, NAPATAWA namin kayo!” hirit pa ng popular na supermarket chain.

Welcome at maaari na umanong ‘pumasok muli’ ang mga edad 18 hanggang 65 anyos sa kanilang mga branches ngayong weekend, ayon pa sa Puregold.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot