Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Tuesday, 27 September 2022

Kind ‘Syrian Wanderer’ boss ginawan ng extreme makeover ang tinitirhan ng dalawa niyang stafff



  • Hindi na mabilang ang dami ng natulungang Pinoy ng Syrian vlogger na si Basel Manadil na kasalukuyang naninirahan dito sa Pilipinas
  • Kamakailan dalawang staff niya ang labis na nasurpresa sa transformation na ginawa niya sa tinutuluyan ng mga ito
  • Sa kanyang latest post, makikita ang mga ‘before and after’ na larawan ng mga bahagi ng kanilang tahanan

Tumaas ang popularidad ng video blog or vlog dito sa bansa lalo na’t marami sa mga vloggers ay nagva-viral online. Sila ay nakikilala dahil sa mga nakatutuwa at nakaaaliw nilang videos. Ngunit sa pagdaan ng panahon at sa pagdami ng mga pumapasok sa vlogging, naging iba’t iba na rin ang kanilang konsepto.

Alam ng nakararami na malaki ang kinikita ng mga vloggers na mayroong milyon-milyong views at subscribers, kaya naman marami sa kanila ay ibinabahagi ang mga natatanggap na biyaya sa mga kapos-palad na mga Pinoy.

Isa ang YouTube channel ng The Hungry Syrian Wanderer sa mga nagva-viral online hindi dahil sa nakatutuwa nitong videos kundi dahil sa pagtulong nito sa maraming Pinoy na maituturing na nasa laylayan ng lipunan. Marami ang humahanga kay Basel Manadil dahil kahit wala siyang dugong Pinoy ay handa siyang tumulong sa mga itinuturing niyang kapwa Pinoy.

Ngayon ay nasa mahigit 3 milyong subscribers na ang YouTube ng Syrian vlogger na si Basel, at nasa mahigit 500 na rin ang kanyang mga vlogs. Ang pangunahing konsepto ng kanyang mga videos ay pagtulong sa mga Pinoy na nasa lansangan at mahihirap, tumutulong din siya sa mga manggagawa at iyong mga nagtitinda sa daan.

Imahe mula sa The Hungry Syrian Wanderer via Facebook

Bukod sa kanyang kabutihang loob, malaman din ang mga ibinabahaging mensahe ni Basel. “I don’t think being rich comes from having a lot of money. But being rich is being satisfied with the way you are, with the way you’re living  because if you keep looking up all the time, your neck will break.”

Hindi na mabibilang sa daliri ang mga taong natulungan niya at patuloy pa rin siyang nakaantabay para makatulong.

At kamakailan lamang ay muli siyang naghatid ng good vibes. Dalawang staff niya sa negosyo ang kanyang binista at binigyan ng makeover ang kanilang tinutuluyan kaya’t ito’y naging super cozy home!

Image via Facebook

“Mission accomplished mga tao! The two ladies had been working in two of our businesses since the pandemic. I visited them few times and decided to give them this bonus  🙂  READ captions nalang po for mga tao”

Tunay na para kay Basel, “Trust me. Sometimes you have to look down and see people who are having difficult life or people who are mahirap ang buhay so that you would appreciate the life you have now,” aniya sa isang post.

Narito ang kanyang latest extreme makeover video:


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot