Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Wednesday, 21 September 2022

‘Vaccine pass policy’ unfair at hindi pa napapanahon – Metro Manila mayors


Imahe mula sa SCMP
  • Hindi pa sang-ayon ang mga alkalde sa Metro Manila na ipatupad ang ‘vaccine pass policy’
  • Magiging ‘unfair’ umano ito sa karamihan dahil kakaunti pa lamang ang natuturukan ngayon ng COVID vaccine
  • Hindi pa raw napapanahon para ito ipatupad, ayon kay MMC chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez

Tutol pa ang mga alkalde sa Metro Manila na ipatupad ang ‘vaccine pass policy’ kung saan papayagan lamang na makapasok sa mga establisimyento ang mga naturukan na ng bakuna.

Ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, hindi ito magiging patas kung ipatutupad ngayon dahil maliit na porsiyento pa lamang ng populasyon sa National Capital Region (NCR) ang nabakunahan na kontra-COVID.

Imahe mula sa Metro News Central

“Very unfair naman po ‘yan na bibigyan natin ng policy na yun lang makakapasok sa indoors, sa ating mga restaurant, at iba pang mga establishment ay ‘yung mga nabigyan ng vaccination pass,” paliwanag ni Olivarez sa panayam ng GMA News nitong Miyerkules.

Maging si vaccine czar Carlito Galvez Jr. raw ay aminado rin na ngayon pa lamang umaarangkada ang vaccination program ng gobyerno kaya hindi pa talaga napapanahon ang nasabing polisiya

“Sa amin sa MMC parang hindi pa ho tama ang panahon ngayon po para i-implement yang policy na yan,” dagdag pa ni Olivarez.

Magugunitang tutol din kapwa ang Department of Health (DOH) at Department of Trade ang Industry (DTI) sa ganitong panukala.

Imahe mula sa Today Online

Mas pabor pa ang DTI sa suhestiyon na magbigay na lamang ng freebies o incentives sa mga parukyanong nabakunahan na upang mahikayat ang marami na magpaturok na rin ng COVID vaccine.

Para naman sa DOH, sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tutol din sila sa ‘vaccine pass’ dahil wala pang sapat na ebidensiya na ang mga naturukan na ng bakuna ay mayroong nang immunity sa COVID at hindi na makapanghahawa pa ng ibang tao.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot