Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Thursday, 22 September 2022

Netizen nanawagan ng tulong para sa lalaking namumulot ng basura kahit namamaga ang binti at paa



  • Nanawagan ng tulong ang isang netizen para sa isang lalaking nangangalakal ng basura
  • Makikita kasing may sugat at namamaga ang kaniyang kanang binti
  • Pinili niya pa ring maghanapbuhay para may makain sa pang-araw-araw

Nakalulungkot mang isipin, marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nakikipaglaban sa buhay, kahit na may karamdaman silang iniinda. Wala kasi silang pamimilian kundi ang magbanat ng buto, sa halip na manatili na lamang sa loob ng bahay at mamahinga.

Kagaya na lamang ng ibinahagi sa Facebook post ng concerned netizen na si Alexander Rodrigo kung saan ipinakita niya ang nakuhanan niyang mga larawan ng isang lalaking namumulot ng mga basura upang ibenta, sa kabila ng sitwasyon ng binti at paa nitong namamaga.

Imahe mula sa Facebook account ni Alexander Rodrigo

“Kawawa naman si Kuya, sana may tumulong sa kanya, sobrang laki ng sugat niya sa paa pero need daw niya maghanapbuhay,” ayon kay Rodrigo.

“Lagi siyang nangangakakal sa planta na pinapasukan ko, sa mga gusto po mag-abot kahit barya lang po, God bless!” saad pa nito.

Kung pagmamasdang maigi ang mga kalakip na larawan, makikitang namamaga ang kanang binti at paa ng lalaking hindi nakuha ang pagkakakilanlan.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Binanggit at tinag pa nila ang DSWD o Department of Social Welfare and Development o DSWD, ang news anchor na si Jessica Soho, at ang ‘Sumbungan ng Bayan’ na si Raffy Tulfo.

“Naku, nakakahabag naman si Tatay, saan kaya siya nakatira para matulungan natin siya? Sana po may detalye ng pagkakakilanlan sa kaniya para matulungan sana siya. Palagay ko naimpeksyon na ang binti at paa niya, at kapag hindi naagapan, baka maputol pa ito,” wika ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Alexander Rodrigo

Turan naman ng isa, “Mukhang kailangang maagapan at magamot ang binti ni Kuya, ako ang natatakot sa puwedeng mangyari kapag hindi iyan nasuri at nagamot. Baka lalo siyang hindi makapaghanapbuhay.”

“Paging sa ating mga netizens na magaling manaliksik sa mga ganitong bagay. Huwag po tayong huminto sa pag-alam kung saan po ang lokasyon ni Kuya upang matulungan,” saad naman ng isa.

Matapos lamang ang ilang araw na pagpo-post, marami na umano ang nagpaabot ng tulong para sa naturang lalaki.  Siya pala si Honorio N. Ce at mayroong mga nagpaabot ng tulong sa kanya at kay Lola.

I-click ang imahe para sa buong post | Facebook

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot