- Planong palawigin ng gobyerno ang vaccination program upang isama ang mga bata at teenagers
- Sinabi ni Sec. Galvez na darating ang araw na kailangang bumili ng mga karagdagang COVID-19 vaccine para sa mga may edad 1 hanggang 17
- Sinabi ni Finance Sec. Dominguez na posibleng masimulan ngayong taon ang pagbabakuna sa mga kabataan
Ipinahayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na palalawigin din ng pamahalaan kalaunan ang vaccination program upang maisama ang mga bata at teenagers. Aniya, darating ang araw na ang bansa ay bibili ng karagdagang COVID-19 vaccine para sa mga Pilipinong may edad 1 hanggang 17 anyos.
“Darating po ang araw na talagang bibili pa tayo ng additional vaccine para sa ating lower bracket from 17-1 years old which comprises 29 million,” pahayag ng vaccine czar.
Binanggit ni Sec. Galvez na ang United States at Canada ay nagsimula nang bakunahan ang mga mamamayan ng mga ito na may edad 12 pataas.
Ayon naman kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, mangangailangan ang bansa ng karagdagang P75 billion upang pondohan ang pagpapalawig ng vaccination program kasama ang mga teenagers at pagbili ng mga booster shots.
“With the announcement that some countries will inoculate teenagers and the expectation that we eventually will follow suit, we are anticipating an additional expenditure of about P20 billion to vaccinate the approximately 15 million kids aged 12 to 17,” ani Sec. Dominguez.
“As we are also anticipating acquiring booster shots for next year for about 85 million teenagers and adults, we will be needing another P55 billion,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Sec. Dominguez, ang pagbabakuna sa mga kabataan ay maaaring masimulan ngayong taon.
Bagama’t hindi pa malinaw kung kailangan ang booster shots bilang proteksyon sa mga susulpot na COVID-19 variants, ang mga bansa tulad ng United States ay naghahanda na para rito.
Ang mga vaccine manufacturers na Moderna, Inc., Pfizer, Inc., at Johnson&Johnson ay gumagawa na ng mga booster shots na makatutulong sa pagpapalakas ng proteksyon kontra COVID-19.
No comments:
Post a Comment