Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Friday, 16 September 2022

Bangka na may kargang COVID vaccine sa Quezon, lumubog; Galvez tiniyak na walang nasayang na bakuna


Imahe mula sa PCG
  • Lumubog ang isang bangka na may kargang COVID vaccine sa Quezon Province
  • Napag-alamang tumama ang bangka sa isang concrete post kaya tumaob
  • TIniyak naman ni Sec. Galvez na walang nasayang na bakuna

Muntik nang hindi mapakinabangan ang ilang kahon ng COVID vaccine na binibiyahe papunta sa bayan ng Polillo at Burdeos sa Quezon Province matapos lumubog ang bangkang sinasakyan nito Biyernes nang umaga, Mayo 14.

Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), sakay ng bangkang pag-aari ng Department of Agriculture (DA) ang mga bakuna nang lumubog ito mga 100 metro ang layo mula sa dalampasigan ng Barangay Ungos, Real, Quezon dakong alas-7:55 nang umaga.

Imahe mula sa PCG

Maliban sa dalawang kahon ng bakuna, sakay din ng naturang bangka ang dalawang empleyado ng Department of Health (DOH), dalawang personnel ng Municipal Police Station (MPS) Polillo, ang kapitan ng bangka at ang motorman.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na hindi sinasadyang tumama ang bangka sa isang konkretong poste na naging dahilan para ito tumaob.

Agad namang nailigtas ang anim na sakay ng bangka at naisalba rin ang dalawang kahon ng bakuna bandang alas-8:30 nang umaga. Lahat sila ay nasa maayos na kalagayan na umano, ayon sa mga ulat.

Screenshot mula sa PCG

Kaugnay nito, tiniyak naman ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na nasa maayos na kondisyon ang naisalbang COVID vaccine at wala namang nasayang sa mga ito.

“Ang kagandahan dito, ang ginawa nila, nilagyan nila ng plastic yung pinakabox niya. Nakita natin ‘yung vaccine, ok pa po, pwede pang i-administer. Wala pong wastage,” ani Galvez sa isang panayam nitong Sabado.

Pinasalamatan rin ng kalihim ang mga miyembro ng PCG na nagligtas sa mga pasahero at sa bakuna.

Imahe mula sa PCG

Samantala, siniguro rin ni Galvez na iimbestigahan nila ang nasayang na mahigit 300 bakuna sa North Cotobato kamakailan matapos makalimutang i-switch on ang freezer na pinaglagakan nito.

BASAHIN: Sayang! Freezer ng bakuna nakalimutang i-switch on; 348 Sinovac vaccine ‘di na magagamit

Napag-alaman na ang 348 doses ng bakuna ay nakalaan sana para sa mga senior citizens ng bayan ng Makilala. Nasira ito matapos walang makaalala na ibalik ang power supply ng freezer sa regular na linya ng kuryente matapos ang mahigit dalawang oras na brownout.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot