Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Friday, 16 September 2022

Bakunado na, milyonaryo pa: Mga magpapabakuna kontra COVID sa Ohio, USA, may tsansang manalo ng 1 milyong dolyar



  • Magbibigay ng isang milyong dolyar na premyo ang Ohio government sa limang mapalad na magpapabakuna kontra C0VID
  • Mayroon ding full scholarship na naghihintay sa limang teenager na magpapabakuna
  • Ito ay para mahikayat ang maraming Ohioan na magpabakuna at makamit ang target nilang bilang ng mga magkakaroon ng immunization

Bilang bahagi ng layunin ng bawat bansa na mapuksa ang pandemya, isa sa mga pinakapinagkakaabalahan ng bawat pamahalaan ay ang pagbabakuna sa kanilang mga mamamayan. Gayunman, ngayong may bakuna na kontra C0VID, tila pahirapan naman sa ilan ang paghikayat na magpakabakuna.

Sinasabing ang ilan ay nangangamba sa maaaring epekto nito, habang ang iba naman ay duda kung talaga bang mabisa ito kontra sa virus. Kaya naman sa Ohio, United States, isang paandar ang naisip ng gobernador para makumbinsi ang mga nasasakupan na magpabakuna.

Larawan mula sa Twitter account ni Ohio Governor Mike DeWine

Tumatagingting kasing isang milyong dolyar ($ million US) ang magiging grand prize ng gagawing lottery para sa mga residente ng Ohio na magpapabakuna kontra C0VID. Hindi lamang isa, kung hindi lima ang magiging milyonaryo kung masusuwertehan ang raffle para sa mga nagpabakuna.

Inihayag ni Ohio Governor Mike DeWine sa kanyang tweet na maaaring iniisip ng iba na pag-aaksaya ng pondo ang gagawing pamimigay niya ng premyo sa mga magpapabakuna ngunit mas sayang daw ang mga buhay na mawawala kung hindi magkakaroon ng proteksyon laban sa virus.

“I know that some may say, ‘DeWine, you’re crazy! This million-dollar drawing idea of yours is a waste of money… But truly, the real waste at this point in the pandemic – when the vaccine is readily available to anyone who wants it – is a life l0st to C0VID-19,” pahayag ni DeWine.

Ang isang milyong dolyar na grand prize ay para sa mga adult o matatanda na magpapabakuna. Para naman sa mga teenager na edad 12 hanggang 17, lima rin ang mapalad na makakukuha ng full-ride scholarship sa mga piling state school.

Larawan mula sa Freepik

Gagawin ang unang bola sa mananalo ng scholarship simula May 18 at isang milyon sa May 26 na gagawin sa loob ng limang linggo, isang winner kada bola kada premyo.  Kukuhanin ang entri ng mga maaaring manalo sa database ng Ohio Secretary of State’s voter registration.

Ayon sa Ohioan government, nasa 42 porsiyento pa lamang ng mga residente nila ang nabigyan ng unang dose ng vaccine at nakitaan ng 80 porsiyentong pagbaba matapos ang ilang linggo. Inaasahang mas marami ang mahihikayat na magpabakuna dahil sa mga premyong maaaring makuha.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot