Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Sunday, 25 September 2022

Utos ng Pangulo: Barangay chairman kung saan may mass gathering violation ang unang huhulihin


Imahe mula sa PNA
  • Ipinag-utos ni Pang. Duterte na unang damputin ang barangay chairman kapag may mass gathering violation sa nasasakupan nito
  • Ang utos ay kasunod ng napaulat na “super spreader” pool party na naganap sa Quezon City kung saan mahigit limampung tao na dumalo sa event ay nagpositibo sa COVID-19
  • Maaaring gumamit ang PNP ng reasonable force kapag nag-resist ang dinarakip na barangay chairman

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government na unang damputin ang kapitan ng barangay kapag may naganap na mass gathering sa nasasakupan nito.

Imahe mula kay Sen. Bong Go

Ang utos ng Pangulo ay inilabas kasunod ng napaulat na “super spreader” pool party na naganap sa Phase 3 Dormitory Compound sa Barangay Nagkaisang Nayon sa Quezon City kung saan mahigit limampung residente na dumalo ay nagpositibo sa COVID-19.

“If there’s one single incident beginning tonight, the police will just arrest the barangay captain first and bring him to the station together with those holding the picnic, have them investigated and detain them. ‘Pag may isa pa, ang unang hulihin ang barangay captain. I’m ordering the police to arrest the barangay captain and bring him to the station, investigate him for dereliction of duty, having failed to enforce the law,” babala ng Pangulo.

“Kayong mga barangay captain, do you know that you have committed a crime of dereliction of duty? Tingnan ninyo sa Revised Penal Code, magkonsulta kayo ng abogado. Talagang ang unang ipakulong ko ‘yung barangay captain, having committed the crime of dereliction of duty under the Revised Penal Code,’ giit pa ni Pangulong Duterte.

Ayon pa sa Pangulo, maaaring gumamit ang PNP ng reasonable force kapag nag-resist ang barangay chairman.

Pool party/Screenshot mula sa video ng QC LGU

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot