
- Nanalo ng P10 million sa GigaMania promo ng Smart ang isang 19-year-old student mula sa Ilocos Norte
- Palaging bumibili ng Smart load ang estudyante para maka-attend ng kanyang online classes
- Bukod sa grand winner, dalawampung subscribers ang nanalo ng P1 million bawat isa sa weekly raffle draw
Dahil sa pag-attend sa kanyang online clasess ay napanalunan ng isang 19-year-old Criminology student mula sa Ilocos Norte ang sampung milyong piso na grand prize sa promo ng Smart na “GigaMania.”

Hindi akalain ng estudyanteng hindi pinangalanan, na isang Smart subscriber noon pang nasa high school siya, na ang madalas niyang pagbili ng Smart load sa cellphone para maka-attend ng online classes ang magpapabago ng takbo ng kanyang kapalaran.
“’Di po ako makapaniwala na nanalo ako until napanuod ko sa Smart FB Live ‘yung announcement ng winners. “Hindi rin po siya naniwala hangga’t hindi niya nakikita ‘yung announcement. Nung napanood namin ulit, sobrang saya naming lahat sa bahay,” wika ng estudyante na sinabing iyon ang kauna-unahan niyang pagsali sa anumang uri promo.
“Hindi rin talaga ako nag-expect manalo talaga. Nagpapasalamat ako kay Lord sa opportunity na ito. Also sa Smart, dahil malaking tulong ang naibigay nila sa akin,” masayang pahayag pa ng masuwerteng estudyante.
Plano umano niyang gamitin ang bahagi ng premyo sa pagtatayo ng negosyo. Gusto umano niyang magbenta ng motorcycle parts and accessories. Itatabi raw niya sa savings account ang iba.
Ang GigaMania promo ng Smart ay nagsimula noong December 2020 at natapos noon lang nakaraang buwan ng Abril. Umabot sa P30 million ang mga premyong ipinamahagi ng kumpanya, bukod pa sa mga freebies na ibinibigay sa mga customers kada linggo.

“We’re always grateful to the continued support of our subscribers, and GigaManila has helped us fulfill our aim to delight and inspire them especially during these trying times. Our customers can expect more exciting and rewarding experiences as we roll out more useful features and lifestyle perks in our GigaLife App,” ayon kay Jane J. Basas, ang SVP at Head ng Consumer Wireless Business ng Smart.
Bukod sa grand winner, dalawampung subscribers ang nanalo ng P1 million bawat isa sa weekly raffle draw.
No comments:
Post a Comment