Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Monday, 19 September 2022

Trillanes sa ‘pag-bypass’ niya sa PH envoy noong 2012 backchannel talks: “Check your facts, Mr. Enrile’


Screenshot mula sa RTVM video
  • Muling umusbong ang sigalot sa pagitan nina Enrile at Trillanes
  • Ito ay matapos kuwestiyunin ni Enrile ang naging papel ni Trillanes sa backchannel talks noong 2012
  • Ipinagtanggol naman ni Trillanes ang kaniyang ginawang negosasyon sa China

Muling nabuhay ang hidwaan sa pagitan nina dating Senate Presidente Juan Ponce-Enrile at dating Senador Antonio Trillanes IV hinggil sa backchannel talks na ginawa ng huli sa gitna ng Scarborough Shoal stand-off noong 2012.

Ito ay matapos kuwestiyunin ni Enrile sa ginanap na ‘Talk to the Nation’ ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes nang gabi ang naging papel ni Trillanes sa backchanneling noong 2012.

Screenshot mula sa RTVM video

Ayon kay Enrile, kaduda-duda ang naging koneksiyon ni Trillanes sa China dahil nakuha niyang makalapit sa ilang matataas na lider ng komunistang bansa upang makipag-usap sa kanila.

Bukod dito, lumalabas na na-bypass raw ng dating senador hindi lamang ang PH Ambassador to Beijing noon na si Sonia Brady, kung hindi maging si dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario.

Check your facts, Mr. Enrile

Subalit pinasinungalingan lahat ito ni Trillanes sa kaniyang sunod-sunod na Twitter post.

Screenshot mula sa Twitter

“Why did I bypass Amb. Brady? Check your facts Mr. Enrile. Amb. Brady first went to Beijing in early August or late July when I was wrapping up the backchannel talks,” ani Trillanes, na sinabi pang hindi kailanman dumalo sa alinmang backchannel meeting si Brady simula Mayo hanggang Hulyo.

“Upon her arrival, at the first instance, I briefed her on the whole talks at the Ph Embassy WITH NO CHINESE PRESENT. That was the only time I met her. After that briefing, I concluded the backchannel talks,” dagdag na pahayag ni Trillanes.

Wika pa ng dating mambabatas, maaari naman i-check ito ng media na naka-assign sa DFA upang malaman kung kailan ba talaga unang dumating sa Beijing si Brady, at hindi kung kailan siya unang na-appoint.

Screenshot mula sa Twitter

May pasaring din si Trillanes kay Enrile hinggil sa kaniyang pagkatalaga bilang backchannel negotiator sa pagitan ng Pilipinas at China.

“Why did PNoy appoint me as backchannel negotiator? Because he found me trustworthy unlike Enrile,” ayon sa dating senador.

‘Brady notes’

Sa panayam naman ng Teleradyo, tinawag ni Trillanes si Enrile na ‘notorious’ sa pagsisinungaling, ‘imbentor ng fake news’.

“Wala naman pong ginawang maayos ‘yan sa Pilipinas sa hinaba-haba ng kaniyang buhay,” ayon kay Trillanes. “Grabe mag-magic ito, grabe maglubid ng buhangin itong si Enrile. Lying comes out as naturally as breathing para kay Enrile.”

Pagkakataon na raw sana nitong Lunes na ilabas ni Duterte ang tinatawag na ‘Brady notes’ para magkaalaman na, subalit bigla namang ‘nakalimutan’ o ‘nawala’ ni Enrile.

“Pero he conveniently forgot. Nawala na raw niya. Kita n’yo kung papaano magsinungaling ang mamang ito,”  dagdag pa ni Trillanes.

Ang ‘Brady notes’ ay unang ibinulgar ni Enrile sa isang Senate session noong 2012 na nauwi sa tuluyang pag-walkout ni Trillanes. Naglalaman umano ito ng kontrobersiyal na ‘kasunduan’ na sinang-ayunan ni Trillanes na siyang dahilan kung bakit umatras ang barko ng Pilipinas subalit hindi ito sinunod ng China.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot