Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Monday, 19 September 2022

Ang nakatutuwang reaksyon ni Jasmine Curtis-Smith nang mapagkamalan siyang nanay ni Anne Curtis


Screenshot mula sa TikTok video
  • Kinatuwaan ng mga netizens ang reaksyon ni Jasmine Curtis-Smith sa komento ng isang social media user
  • Napagkamalan si Jasmine na nanay ng nakatatanda niyang kapatid na si Anne Curtis
  • Nagkunwaring pumalahaw ng iyak si Jasmine habang sinasabi na sampung taon siyang mas bata kaysa sa ate niya

Kinatuwaan ng mga netizens ang naging reaksyon ng aktres na si Jasmine Curtis Smith sa komento ng isang social media user.

Imahe mula sa Instagram account ni Jasmine Curtis-Smith

Ginawan ni Jasmine ng TikTok video ang reaksyon niya sa komento ng netizen na napagkamalan siyang nanay ng nakatatanda niyang kapatid na si Anne Curtis.

“”Di ba po anak mo po si Ms. Anne Curtis?” ang tanong ng netizen na nagkomento sa post ni Jasmine.

Sa video, makikita ang reaksyon ni Jasmine na tila nagulumihanan sa tanong ng netizen. Isang tanong din ang inilagay niyang caption sa video bilang tugon sa komento: “Kelan po…Bakit po ako pa ‘yung nanay?”

Nagkunwaring pumapalahaw ng iyak si Jasmine habang sinasabing, “Ten years akong mas bata sa kanya.”

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na natuwa sa reaksyon ng aktres:

“Ang kyut.”

 “Nawindang din po ako sa comment.”

 “Hahahaha. Sino ‘yung nag-comment nang makutusan.”

 “Hahaha…nang-aasar lang ‘yan Ms. Jasmine.”

 “It’s because you look like your mom kaya siguro napagkamalan.”

(I-click ang larawan sa ibaba para mapanood ang TikTok video)

Screenshot mula sa TikTok video

Si Jasmine ang pangalawang anak ni Carmencita Ojales at James Ernest Curtis-Smith na isang Australian lawyer. Bukod kay Anne Curtis na panganay na kapatid, may nakababata siyang kapatid na lalaki na si Thomas James na kasalukuyang nag-aaral sa Australia.

Ang showbiz career ni Jasmine ay nasa ilalim ng pangangalaga ng GMA Artist Center simula pa noong 2018.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot