- Nilinaw ng Malakanyang na walang bayad ang lahat ng bakuna ng gobyerno
- Ito ay matapos sabihin ni Sen. Gordon na maniningil ang PRC ng P3,500 para sa 2 doses ng Moderna
- Nagpaliwanag na rin ang PRC na ang kanilang sinisingil ay hindi bayad sa bakuna
Nilinaw ng Malakanyang na libre ang lahat ng bakunang ituturok sa Pilipinas dahil gobyerno mismo ang magbabayad nito.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naturang pahayag matapos sabihin ni Philippine Red Cross (PRC) chairperson at Senador Richard Gordon na maniningil ng P3,500 ang kanilang ahensiya para sa dalawang dose ng Moderna vaccine.
Nagpaliwanag na ang PRC na ang sinisingil na P3,500 ay hindi bayad sa bakuna kung hindi para sa syringe, PPE, pagkain ng magbabakuna at iba pang gamit na may kaugnayan sa pagtuturok ng COVID vaccine.
Kaugnay nito, sinabi ni Roque na lahat ng bakunang gagamitin ng pamahalaan ay walang bayad.
“Well lilinawin ko lang sa panig ni Presidente, ang pangako niya ay ibigay ang mga bakuna nang libre dahil ang mga bakuna naman inaangkat ng gobyerno ay babayaran ng ating gobyerno,” paliwanag ni Roque nitong Martes sa kaniyang regular press briefing.
Maging ang mga nabili umano ng mga pribadong kumpanya ay hindi rin puwedeng ibenta sapagkat ipinagbabawal ito sa batas.
“‘Yung mga inaangkat siyempre ng pribadong sektor ay para sa kanilang gamit pero wala dapat magbenta kasi wala nga pong general use authority pa ang kahit anong bakuna,” ani Roque.
Samantala, iginiit ni Gordon na walang kita ang PRC sa pagtuturok ng Moderna sapagkat inaalok lamang nila ito sa kanilang miyembro at donors na handang sagutin ang nabanggit na bayarin. Mayroon lamang umanong EUA ang Moderna sa Pilipinas subalit wala itong Certificate of Product Registration kaya hindi talaga maaaring ibenta sa merkado.
Ibinahagi rin ng senador na posibleng ipasa sa PRC ng gobyerno ang pagtuturok ng iba pang bakuna dahil nakatakda nang mapaso ang nasa 1.5-milyongd doses g AstraZeneca mula sa COVAX sa darating na Hunyo.
No comments:
Post a Comment