
- Larawan o painting?
- Iyan ang maiisip ng sino man kapag nakita ang obra maestra ng isang senior citizen artist/painter
- Makikita rito ang isa sa mga tindahan sa Divisoria, Maynila na para bang totoong-totoo
Kahanga-hanga ang hyper-realistic painting ng isang senior citizen na artist mula sa Parañaque City matapos niyang ipinta ang isa sa mga tindahan sa sikat na Divisoria sa Maynila, na mapagkakamalang isang litrato dahil kuhang-kuha niya ang pinakamaliliit na detalye, at parang totoong-totoo ang lahat.
Ayon sa 62 na taong gulang na artist na si Florian Levy Moncera, gumugugol siya ng apat hanggang limang oras kada araw kapag siya ay nagpipinta, at ibinabahagi naman niya ang mga kuhang larawan nito sa Facebook art group na ‘Filipino Painters, Sculptors, Artists and Enthusiasts.’
Nakakuha siya ng karangalang ‘honorable mention’ sa ikalawang taunang Philippine Pastel Association Arts Competition, para sa kaniyang painting na may pamagat na ‘Sari-sari’ na may sukat na 40 x 30 inches na ginamitan lamang ng oil pastels. Umabot umano siya ng 33 araw bago matapos ang obra maestra.
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.
“Kamay pa ba ‘yan? Ang lupit! Sumakit ulo ko sa kakaisip kung paano niya natapos ang ganito ka-detailed na obra maestra, grabe ang galing! Halimaw na pintor ito!” wika ng isa.
Turan naman ng isa, “Ito talaga ang superb talent and patience! Akala ko nga picture siya, kaya nagulat ako nang malaman ko na painting pala. Saludo!”
“Galing nito, gumamit ng oil pastel hindi halata ang hagod, hirap na hirap pa naman ako sa ganitong medium, easy lang sa kanya, palagay ko bawat 15 minutes nagkakape pa at walang takot humagod, baka nga nagmo-Mobile Legend pa habang ginagawa hahaha, biro lang. Impressive!” papuri naman ng isa.
Kung titingnan ang kaniyang personal Facebook account, makikita roon ang iba pa niyang kamangha-manghang hyper-realistic paintings.
Ang naturang Divisoria-inspired painting ay ibinebenta niya sa halagang 200,000 piso. Tumatanggap din siya ng mga commissioned artworks at regular na lumalahok sa mga group art exhibits.
Ito ang talentong tunay na kabilib-bilib! Proud Pinoy!
No comments:
Post a Comment