Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Thursday, 22 September 2022

Caption sa grad photo ng SHS student kinalugdan; “Dahil sa balut diploma ay naabot”



  • Kinalugdan ng mga netizens ang isang SHS graduation photo
  • Makikita rito ang isang babaeng mag-aaral at ang kaniyang ama
  • Nakapukaw rito ang caption na nakasulat sa whiteboard na hawak naman ng mag-aaral

Nakapukaw sa atensyon ng mga netizens ang graduation photo ng isang 18 taong gulang na Senior High School student sa Siniloan National High School in Laguna, hindi lamang dahil sa kaniyang ngiting tagumpay, kundi sa hawak niyang caption na nakasulat sa maliit na whiteboard, na talaga namang nakapagpaantig sa damdamin.

Kasama ni Jerdy Grace Araneta ang kaniyang amang si Mang Rodolfo Araneta, isang balut vendor, sa naturang graduation photo. Nakalagay sa caption ang tugmaang “Dahil sa balut, diploma ay naabot.”

Makikita ang naturang larawa sa Facebook page na ‘The Flash of Siniloan.’

Imahe mula sa Facebook page na The Flash of Siniloan

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Congrats to the father-daughter tandem! May God bless you even more to realize your goals for your family. Nakaka-proud naman ito!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Kitang-kita ko ang kasiyahan ng tatay sa pagtatapos ng kaniyang anak! Proud na proud din ang anak dahil iginapang siya ng kaniyang magulang! Saludo po!”

“Congrats! at piliting abutin ang mga pangarap na minimithi. Ituloy lang ang laban, aral muna ang isipin saka na ang mag-BF hehehe, just saying para iwas-tukso at huwag mahinto sa pag-aaral,” payo naman ng isa.

Ayon sa panayam ng ‘Inquirer’ sa ina ni Jerdy Grace na si Aling Judy Araneta, sampung taon nang nagtitinda ng balut ang kaniyang masipag na mister, at iyon daw ang bumuhay sa kanilang mag-anak, lalo na’t may lima silang mga anak. Ito raw ang nag-iisang breadwinner ng kanilang pamilya.

Bukod sa pagtitinda ng balut, naglalako rin siya ng pandesal tuwing umaga. Naisisingit din ang pagiging garbage collector. Pagkatapos, saglit siyang magpapahinga, at muli na namang aarya sa paglalako naman ng balut, mula 3:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi. Napakasipag, hindi ba!

Public Domain Image

Kailangan daw kasing kumayod nang maigi ni Mang Rodolfo dahil bukod sa kanila, sinusuportahan din nito ang lalaking biyenan, pamangkin ni Aling Judy, at mismong kapatid nito. Dahil sa pandemya ay naapektuhan ang kita ni Mang Rodolfo lalo na nang magkaroon ng curfew. Sa kabila nito, patuloy pa rin sa pagkayod ang haligi ng tahanan.

Congratulations kay Jerdy Grace at lalo na kay Mang Rodolfo dahil sa inyong pagpupunyagi!


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot