Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Monday, 19 September 2022

Sweet birthday message ni Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado kinakiligan



  • May sweet birthday greeting si Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado
  • Kalakip nito ang larawan nila sa ilalim ng dagat
  • Pitong taon nang magkarelasyon ang dalawang Kapuso stars

Kinakiligan ng mga netizens ang sweet birthday message ni Kapuso actor Dennis Trillo sa kaniyang kasintahang si Jennylyn Mercado, na 34 taong gulang na nitong Linggo, Mayo 16, 2021.

Makikita sa kaniyang Instagram post ang underwater photoshoot nila ni Jennylyn kasama ang kanilang mga piling kaibigan.

Imahe mula sa Instagram account ni Dennis Trillo

“Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man, at kahit anong mangyari nandito ako para sa’yo, hindi kita pababayaan. Excited ako sa mga susunod na kabanata sa buhay natin. Mahal na mahal ka namin, mahal na mahal kita. Maligayang kaarawan sa ‘yo, Mahal ko,” saad ni Dennis.

Sa comments section, makikita ang pagbati ng kaniyang mga celebrity friends gaya nina Angel Locsin, Marian Rivera, at marami pang iba.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Noon pa man bagay na sila. Hindi ko lang alam kung bakit naligaw sila sa ibang landas noon at ngayon ay nagkabalikan muli sila. Sana tuluyan na silang magkatuluyan,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Sana all ganito mindset no. ‘Yung mahal ko, sumuko lang dahil na-stress na raw siya sa akin, feel ko dahil sa lagi na niya ako inaaway.”

“Kaya pala nagpaputol ng hair si Jen dahil masyado nang mahaba hahaha. Happy Birthday, Ms. Jen! Idol na talaga since Starstruck days. Mabuti naman at maayos at matatag ang relasyon ninyo ni Dennis,” sabi naman ng isa.

Noong Mayo 12, si Jennylyn naman ang nagbigay ng sweet birthday greeting para kay Dennis.

Imahe mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

“Celebrating you today and always. Happy birthday Mahal ko!” saad ni Jennylyn sa kaniyang Instagram post.

Pitong taon nang magkarelasyon sina Jennylyn at Dennis. Patok na patok sa kanilang mga tagahanga ang kanilang mga cover songs na magkasama.

Panoorin ang kanilang latest cover:


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot