
- Good vibes ang hatid ng isang batang sumasagot ng learning modules at ang fur baby niya
- Makikitang nakabantay ang fur baby sa kaniyang amo
- Dahil medyo matagal pa ang pagsagot na ito, humilig at natulog na ang pet dog sa kamay ng bata
Masarap sa pakiramdam na lagi nating nakakasama sa ating tabi ang mga fur babies natin. Hindi matatawaran ang good vibes na hatid nila, lalo na kung medyo abala na sa mga dapat gawin sa buhay, tulad na lamang ng pagsagot sa learning modules.
Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang ‘Cath Guillermo Cabarles’ ang naispatang ‘priceless scene’ sa loob ng kanilang tahanan, sa Facebook page na ASPIN LOVERS PHILIPPINES. Kinuhanan niya ng larawan ang kaniyang pamangkin na si Clarence na sumasagot sa kaniyang mga learning modules, habang nasa tabi naman niya ang 1-month-old na fur baby na si Bruno.
Makikitang tila matiyagang hinihintay ni Bruno na matapos si Clarence sa pagsagot sa kaniyang modules. Subalit tila inantok na ito at hindi na kinaya ang paghihintay. Humilig na ito sa braso ni Clarence at mahimbing na natulog.
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.
“Wow ang cute naman nilang dalawa! Talagang hinihintay ng cute dog ang amo niya. Nakakawala ng stress ang mga ganitong post,” wika ng isa.
Turan naman ng isa, “Nakatulog na yung pet dog sa kahihintay sa amo niya. Ganyan din ang pet ko. Lagi niya akong hinihintay na matapos makapaglaba, hanggang sa pagsasampay ng mga damit eh nakabuntot sa akin.”
“Well he looks like my dog and hs name is Bruno too hahahaha so cute scenario!” pahayag ng isa.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-aalaga ng aso ay maraming benepisyo sa usaping pangkalusugan. Hindi lamang pagbabantay sa bahay ang tungkulin ng mga aso, kundi nakapagpapabawas din sila ng mga negatibong pakiramdam sa tao gaya ng stress, anxiety, at depresyon.
Ikaw, may ganito ka rin bang fur baby na matiyagang naghihintay sa iyo?
No comments:
Post a Comment