- Sinabi ni Sen. Richard Gordon na isa siya sa most qualified na maging next President ng bansa
- Kaya niya raw umupo sa posisyon at patakbuhin ang bansa kahit ngayon
- Bago magdesisyon kung tatakbo siya sa pagka-presidente ay kokonsulta muna siya sa mga kaibigan at taong nagtitiwala sa kanya
Hindi pa man siya nakatitiyak kung tatakbo siya sa pagka-pangulo sa susunod na halalan, sinabi ni Senator Richard Gordon na isa siya sa mga pinakakwalipikado upang maging susunod na Presidente ng Pilipinas.
Aniya, kahit sino naman ay puwedeng tumakbo ng pagka-pangulo. Ang mahalaga lang daw ay may qualifications at track record. Bukod pa roon, dapat ay mayroong karanasan, vision, integrity na napapatunayan at hindi iyong puro salita lang.
Kung siya raw ay tatanungin, kaya niyang umupo sa posisyon at patakbuhin ngayon ang bansa.
“’Pag tinatanong ako, palagay ko kaya ko. Sinasabi ko kaya kong umupo d’yan sa posisyon na ‘yan, kung ngayon ay mapapaandar ko ‘yan,” anang senador na chairman din ng Philippine Red Cross.
“If you ask me, I’m qualified, I think I’m one of the most qualified, I’m sorry I have to say that dahil kailangan sabihin mo. Dahil wala naman magsasabi na iba,” dagdag pa niya.
Bago magdesisyon ay kokonsultahin umano niya ang mga kaibigan at mga taong nagtitiwala sa kanyang kakayahan. Maaari raw kasi na ang iba ay hindi gusto ang kanyang pamamaraan ng pamumuno.
“Tatakbo ba ako? Tignan natin, abangan ang susunod, magtatanong muna ako sa mga kaibigan natin, yung mga nagtitiwala sa atin, kokonsultahin natin,” aniya.
Si Sen. Gordon ay matagal nagsilbi bilang alkalde ng Olongapo City at naging tourism secretary din.
Tumakbo na siya sa pagka-pangulo noong 2010 subalit tinalo siya ni Benigno “Noynoy” Aquino III.
Sa ngayon, bilang chairman ng Philipine Red Cross ay abala si Sen. Gordon sa pagtulong sa pakikabaka ng bansa kontra sa pandemya.
No comments:
Post a Comment