- Pinayagan ng IATF na makalabas ng bahay ang mga menor de edad na 15-17 years old at senior citizens na 65 years old pataas para sa Step 2 ng National ID registration
- May tatlong “easy steps” na dapat sundin ang bawat mamamayan upang makapagparehistro sa National ID system
- Para sa Step 2 ng registration, kailangang magtungo ang aplikante sa pinakamalapit na physical registration center para makuhanan ng biometrics information tulad ng fingerprints, iris scan at photo
Pinayagan na ng pamahalaan na makalabas ng bahay ang mga minors na ang edad ay 15-17 years old at mga senior citizens na edad 65 pataas upang makapagpatala sa Step 2 ng registration sa Philippine Identification System (PhilSys) na tinatawag din na National ID System.
“Ang mga menor de edad 15 to 17 kasama rin po ang mga seniors, ’yung mga above 65, palalabasin lang po ng kanilang mga tahanan para po magrehistro sa Philippine Identification System,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tagapagsalita rin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), may tatlong “easy steps” na dapat sundin ang bawat mamamayan upang makapagparehistro sa National ID system.
Ang Step 1 ay ang pagpaparehistro sa online portal ng PSA kung saan ibibigay ang mga impormasyon tulad ng buong pangalan, kasarian, petsa at lugar ng kapanganakan, blood type at address.
Optional lang ang pagbibigay ng impormasyong gaya ng marital status, mobile number at email address. Gagawin din sa step na ito ang appointment setting para sa step 2.
Noong April 30, 2021 sinimulan ang first step ng registration kung saan umabot sa 28 million ang nakapagparehistro.
Para sa Step 2 ng registration, kailangang magtungo ang aplikante sa pinakamalapit na physical registration center para makuhanan ng biometrics information tulad ng fingerprints, iris scan at photo. Dito rin gagawin ang validation ng supporting documents.
Ayon kay National Economic and Development Authority Secretary Karl Kendrick Chua, nasa 6.4 million ang unang batch na nakatapos na sa Step 2 ng registration.
“The implementation of the second phase is slower since we cannot require them to go to registration center. We must be cautious so we will not spread the virus,” ayon sa kalihim.
Ang Step 3 ay ang issuance ng PhilSys Number (PSN) at PhilID.
“Ang inyong PSN at PhilID ay ide-deliver ng PHLPost sa inyong tahanan! Paalala lamang po na huwag i-post sa social media ang inyong PhilID dahil ito ay naglalaman ng inyong personal na impormasyon,” ayon sa PSA.
Ang PhilID ay libre, subalit kung nawala ito o nasira ay may singil para sa replacement.
No comments:
Post a Comment