Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Monday, 26 September 2022

Sec. Duque ‘di sang-ayon sa ‘self-swabbing’ ni Robin Padilla


Screenshots mula sa Instagram video ni Robin
  • Tutol si Health Secretary Duque sa ginawang ‘self-swabbing’ ng aktor na si Robin Padilla
  • Hindi raw ito dapat ginagawa ng basta ninuman dahil mayroong pamantayang sinusunod para sa swabbing
  • Nag-viral kamakailan ang video ng pag-swab ni Robin sa sarili na umani ng iba’t-ibang reaksiyon mula sa netizens

Hindi sang-ayon si Health Secretary Francisco Duque sa ginawang ‘self-swabbing’ ni Robin Padilla dahil posibleng maging kuwestiyunable umano ang magiging resulta ng test nito.

Ginawa ni Duque ang naturang pahayag matapos mag-viral sa social media ang video ng ‘pagsasariling-sikap’ ni Robin na i-swab ang sarili habang naghihintay ng nurse na mag-aassist sa kanya.

Imahe mula sa PNA

Subalit ayon kay Duque, hindi dapat ginagawa ng kahit sino lamang ang pag-swab at lalong hindi dapat ikaw mismo ang mag-swab ng sarili mo.

“Meron tayong mga panuntunan o pamantayan para gawin ‘yan. Hindi puwedeng sarili mong gagawin ‘yan,” ani Duque sa ginawang Laging Handa press briefing nitong Huwebes.

Paliwanag pa ng kalihim, may mga pamantayang sinusunod sa pag-swab kaya hindi dapat ito ginagawa sa sarili.

Screenshot mula sa Facebook video/ Robin Padilla

“Dahil kung hindi naman ito naaayon sa mga tamang pamantayan, eh kaduda-duda ang mga resulta. So hindi natin dapat ginagawa ‘yon,” dagdag na pahayag ni Duque.

Matatandaang umani ng samu’t-saring reaksiyon mula sa mga netizens ang ginawa ni Robin matapos niyang ibahagi sa Instagram ang video ng kaniyang self-swabbing kamakailan.

BASAHIN: Robin Padilla nag-‘self swab’ dahil wala pang nurse na gagawa; netizen may iba’t-ibang reaksiyon

Bahagi ng aktor, napilitan siyang kusang gawin ang swabbing dahil wala pa ang nurse at mag-uumpisa na ang kanilang trabaho.

Screenshot mula sa Instagram video ni Robin

“Hindi dahilan sa mga mandaragat ang walang nurse, kailangan isagawa ang COVID test, basta isaksak mo ang swab stick hanggang sa dulo at makiliti mo ang utak mo, at kapag naluha ka na tsaka mo iikot nang 5 hanggang 8 segundo ‘yun na raw ‘yun,” caption ni Robin sa kaniyang post.

Nabahala naman ang ilang netizens dahil hindi umano pinapayagan sa Pilipinas ang paggamit ng rapid antigen kits kaya propesyonal lamang ang maaaring gumawa.

Subalit komento naman ng iba, pinapayagan ito sa ibang bansa tulad sa Europe at Amerika dahil mayroon naman talagang nabibiling test kit sa mga pharmacy kung saan maaaring gamitin ng sinuman para mag-swab.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot