
- Isang babaeng naka-SUV ang na
huling nagmamaneho sa Maynila nang walang lisensiya - Matapos si
tahin, bigla na lamang daw nagwala ang babae na pilit binabawi sa enforcer ang OR/CR ng sasakyan na kaniyang iprinesenta - Kinumpirma ng pamunuan ng MTPB na dinala na sa
presinto ang babae at sinampahan ng reklamong directassault at driving without license
Patong-patong na reklamo ang kakaharapin ngayon ng isang babae na nahuling nagmamaneho nang walang lisensya sa Maynila nito lamang Huwebes, Mayo 27.
Ibinahagi ng Manila Public Information Office (Manila PIO) ang video ng insidente sa Twitter na nagsimula nang mag-viral sa social media.

Batay sa mga ulat na lumabas, nasita ng isang enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang 26-anyos na babae na nakilalang si Pauline Altamirano matapos itong mag-‘beating the red light’ sa Osmeña Highway.
Hindi raw huminto si Altamirano na sakay ng puting SUV kaya hinabol ito ng enforcer na si Marcos Anzures Jr.
Nang sitahin at hingan ng lisensya, dito na nagkaroon ng pagtatalo dahil wala palang dalang driver’s license ang babae. Sa halip, ang OR/CR lang ng sasakyan ang kaniyang inabot sa enforcer.

Matapos sabihang kailangang dalhin sa impounding area ang kaniyang sasakyan ay bigla na lang nagwala si Altamirano na pilit binabawi kay Anzures ang OR/CR.
Makikita sa video na ilang beses sinaktan ng babae ang enforcer na nasugatan pa sa mukha. Umiiyak na rin ito habang nakikiusap na ibalik sa kaniya ang dokumento habang patuloy na hinahampas si Anzures ng kaniyang kamay.
Hindi naman makumpirma kung pag-aari ni Altamirano ang SUV na kaniyang sinakyan.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni MTPB Director Dennis Viaje na dinala sa presinto si Altamirano at sinampahan ng mga kasong direct assault at driving without license.
I-click ang imahe sa ibaba upang mapanood ang buong video ng insidente.
No comments:
Post a Comment