- Kinuwestyon ng dalawang mambabatas ang plano ng DOH na bumili ng remdesivir sa halagang isang bilyong piso
- Posibleng makasuhan ang mga opisyal ng DOH kapag iginiit ang pagbili ng remdesivir sa kabila ng rekomendasyon ng WHO kontra sa paggamit nito para sa COVID-19 patients
- Dapat na raw itigil ng DOH ang pag-angkat at paggamit ng remdesivir dahil kung hindi ay maghihinala na ang publiko na kumikita ang ilang DOH officials sa pagbili nito
Kinuwestyon ng dalawang mambabatas ang plano ng Department of Health (DOH) na muling bumili ng remdesivir na nagkakahalaga ng isang bilyong piso.
Binalaan din ng mga mambabatas ang mga opisyal ng DOH na mahaharap sa mga kaso kapag iginiit nito ang pagbili ng naturang gamot sa kabila ng rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) kontra sa paggamit nito para sa COVID-19 patients.
“We consider all new purchases of remdesivir as reckless and foolish spending in light of the WHO recommendation, and considering that government is scrounging for money to buy more COVID-19 vaccines and to pay for the P2,000 cash aid for every Filipino contemplated under the Bayanihan 3 bill,” sabi ni Rep. Mike Defensor.
“All further purchases of remdesivir—after the WHO came out with its adverse recommendation—may be deemed as transactions highly detrimental to the government under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act,” babala pa ng kinatawan ng Anakkalusugan Partylist.
Sa hiwalay na panayam, kinondena naman ni House Deputy Speaker Lito Atienza ang plano ng DOH at tinawag iyong “wasteful double standard” sa paggiit nito sa pagsusulong ng remdesivir na napakamahal habang isinasantabi o hindi pinapansin ang mga potensyal na panlunas gaya ng Ivermectin na nabibili lang sa halagang P35 hanggang P40 kada kapsula.
“The WHO recommends against the use of remdesivir because it does not have any positive effect on COVID-19 patient outcomes. And yet, the DOH is still irresponsibly using the drug in addition to standard care for patients,” sabi ni Rep. Atienza.
Dapat na raw itigil ng DOH ang pag-angkat at paggamit ng remdesivir dahil kung hindi ay maghihinala na ang publiko na kumikita ang DOH officials sa pagbili nito.
No comments:
Post a Comment