Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Monday, 12 September 2022

Iginapang ang pag-aaral para makatapos lahat, 9 magkakapatid todo pasasalamat sa magulang


Image by Anthony Jimoga-on Photography via Facebook
  • 9 na magkakapatid, malaki ang pasasalamat sa mga magulang na ginawa ang lahat para makatapos sila ng pag-aaral
  • Ang anim na babae rito ay police officers
  • Pasasalamat nila, “Tatay, Nanay, THANK YOU!“

Walang ibang hinahangad ang mga magulang kung hindi ang makitang masaya at nagtatagumpay ang kanilang mga anak. Nakahanda silang gawin ang lahat ng makakaya para mabigyan ang mga ito ng magandang kinabukasan.

Paniguradong kasiyahan naman ang nararamdaman ng mga ito kapag nakikita ang pagsukli ng pagsusumikap ng mga anak lalo na sa pag-aaral.

Image by Anthony Jimoga-on Photography via Facebook

Gayun na lamang ang pasasalamat ng siyam na magkakapatid sa mga sakripisyong inilaan ng kanilang mga magulang para mapagtapos sila sa pag-aaral at maging propesyonal. Sa gitna kasi ng mahirap na pamumuhay ay nagsumikap ang mga magulang nila para makapagbigay ng magandang kinabukasan para sa mga anak.

“Proud parents having all Daughters who are Police Officers,” ang mababasa sa post ng Anthony Jimoga-on Photography kamakailan kung saan makikita ang litrato ng anim babaeng nakasuot ng uniporme ng pulis, kasama ang kanilang mga magulang.

Pagpapatuloy pa rito, “Despite living in poverty, their parents worked hard as laborers (as construction workers, farmers, vendors, etc.) to send their children to school. Their love was blessed by God with nine (9) wonderful children: 3 boys and 6 girls, all of whom graduated and are now professionals.

“But what’s incredibly amazing is all of their daughters graduated with different bachelor’s degrees but possessed brave hearts and strong minds to become successful police officers.”

Ibinahagi pa ang kasabihang, “To succeed: work hard, never give up and above all cherish a magnificent obsession in learning the value of hard work by working hard.”

Pasasalamat ng magkakapatid, “Tatay, Nanay, THANK YOU!“

Image by Anthony Jimoga-on Photography via Facebook

Saludo! Anim na babaeng anak ng magsasaka at construction worker, lahat naging pulis

Kaagad namang nag-trending ang FB post at nakalikom na ng higit 930 reactions at tinatayang 1,100 shares habang ibinabahagi ito. Puno ito ng komento ng pagbati mula sa mga netizens.

“What a very very blessed family. We’re strangers but please don’t take offense. We share your parents’ pride. Congratulations,” ang komento ng isa. Saad naman ng iba, “Wow, sana all. Congrats nanay at tatay.”

Image by Anthony Jimoga-on Photography via Facebook

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot