Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Friday, 9 September 2022

Sana all balik normal na: Pinoy nurse sa New Zealand nagkuwento tungkol sa almost zero COVID cases doon


Larawan mula sa Facebook video ng Eat Bulaga
  • Ibinahagi ng isang Pinoy nurse sa New Zealand ang kanilang normal nang pamumuhay sa bansa matapos ang pakikipagbuno sa C0VID-19
  • Ayon sa nurse, halos isang taon na raw na normal ang kanilang pamumuhay sa nasabing bansa at maaari na rin ang mass gathering
  • Napa-sana all naman ang maraming Pinoy na loyal viewers ng Eat Bulaga kung saan nag-guest ang Pinoy nurse sa New Zealand

Patuloy na nakikipaglaban ang iba’t ibang bahagi ng mundo sa pandemya. Marami pa ring mga bansa ang may matataas na kas0 ng C0VID at ang iba nga ay naka-lockdown at quarantine pa rin tulad ng Pilipinas.

Ngunit mayroon din namang mga panig ng mundo na napagtagumpayan na ang laban sa kalabang hindi nakikita. Ito ang naging paksa ng usapan sa sikat na segment na “Bawal Judgmental” sa noontime show na Eat Bulaga.

Larawan mula sa Facebook video ng Eat Bulaga

Sa pamamagitan ng panayam via video call, ikinuwento ng Pinoy nurse sa New Zealand na si John Paul Martin ang pagbabalik sa normal ng buhay doon. Ayon kay John Paul, nasa halos isang taon na raw na normal ang pamumuhay nila sa New Zealand matapos maging halos zero cases na ang nagkaka-C0VID roon.

“Sa ngayon po, zero community cases po rito. Bale, almost one year na po kaming normal ‘yung life dito… Medyo blessed po talaga ang New Zealand…” kuwento ni John Paul na inilahad rin na hindi na nila kailangang magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay puwera kung sasakay ng public transportation.

Sa katunayan, nasalubong na ng mga taga-New Zealand ang Bagong Taon nitong 2021 sa pamamagitan ng isang public event na dinaluhan ng maraming residente, kabilang si John Paul. Ito raw ay isang New Year celebration sa Auckland City.

Ipinagmalaki rin ni John Paul na maaari na ring magdaos ng mga concert at iba pang public event sa New Zealand. Dahil dito, namangha naman sa tagumpay ng New Zealand laban sa pandemya ang mga host ng show na sina Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, at Vic Sotto.

Larawan mula sa Facebook video ng Eat Bulaga

Dagdag pa ni John Paul na dalawang taon nang nurse sa New Zealand, likas na mababait daw talaga ang mga residente roon. Laking pasasalamat pa nga raw ng mga taga-New Zealand sa mga Pinoy nurse dahil malaki ang naitutulong ng mga ito sa healthcare system ng bansa.

Sa comment section ng Facebook post ng Eat Bulaga, napa-sana all na lamang ang maraming netizens dahil sa tinatamasang normal na pamumuhay ng mga taga-New Zealand. Sana raw ay mangyari din ito sa Pilipinas sa mga susunod na buwan.

Panoorin ang panayam kay John Paul sa Bawal Judgmental:


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot