Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Thursday, 8 September 2022

Joaquin Domagoso at Cassy Legaspi, bagong tambalang kinakikiligan sa primetime; real life na ba ang ugnayan?


Larawan mula sa Instagram post ni Joaquin Domagoso
  • Bagog tambalan ang binuo ngayon ng GMA Network para sa teleseryeng First Yaya
  • Ito ay ang tambalan nina Joaquin “JD” Domagoso at Cassy Legaspi na aminadong kinikilig sa kanilang mga eksena
  • Magkaibigan lang naman daw sina Joaquin at Cassy ngunit patuloy silang magpapakilig sa mga manonood

Namamayagpag sa ratings ang primetime series na First Yaya na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion. Dahil sa good vibes na hatid, marami ang naho-hook sa kuwento, kabilang na ang mga bata.

At sa nasabing serye, hindi lamang sina Gabby at Sanya ang nagbibigay ng kilig sa mga manonood. Patok din sa fans ng show ang tambalan ni Joaquin “JD” Domagoso at Cassy Legaspi. Dahil sa pagiging epektibo ng kanilang roles, maging ang dalawa ay kinikilig na rin umano sa eksena nila.

Larawan mula sa Instagram post ni Joaquin Domagoso

Inamin ng anak ni Yorme Isko Moreno na si Joaquin na dahil madalas na magkasama sila ni Cassy sa mga eksena, enjoy na enjoy raw siya sa unang acting project niya sa primetime at hindi rin mapigilang kiligin.

“My character is always with Cassy’s character, e, so I get to enjoy a lot talaga. Kung [iyong audience] kinikilig, mas lalo pa ako,” pag-amin ni Joaquin sa isang panayam.

Hayag pa ni Joaquin, nakatutulong ang totoong kilig na nararamdaman niya para maging makatotohanan ang kanyang pagganap bilang l0ve team ni Cassy.

Nadagdagan pa ang kilig ng fans nang mag-post si Joaquin ng larawan nila ni Cassy sa set ng First Yaya na agad namang binigyan ng komento ni Cassy. Dahil dito, maging ang ina ni Cassy at Kapuso actress na si Carmina Villaroel ay napakomento sa mga larawan.

Biro ni Carmina, nasaan na raw ang mga presidential security guard (PSG) na nagbabantay kay Cassy na gumaganap bilang isa sa anak ng pangulo sa serye. Sumagot naman ang beauty queen at gumaganap bilang isa sa mga PSG na si Thia Thomalla na mag-behave daw sina Joaquin at Cassy.

Larawan mula sa Instagram post ni Joaquin Domagoso

Sa isang panayam naman, inamin din ni Cassy na kinikilig din siya kapag tinutuks0 sa katambal na si Joaquin. Maging sa mga eksena ay nararamdaman din ni Cassy ang kilig at koneksiyon sa kanila ni Joaquin.

Gayunman, magkaibigan lang daw ang dalawa at naka-focus sa kani-kanilang career. Hindi ito ang unang beses na nagkatrabaho ang dalawa. Madalas na silang gumawa ng production numbers sa Studio 7 at All-Out Sundays ngunit ito ang first acting project nila na umaani naman ngayon ng fan base.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot