Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Friday, 9 September 2022

Mensahe ni Vice sa anibersaryo ng pagsasara ng ABS-CBN: “Ang pamilya ay ‘di sinusukuan”


Imahe mula sa ABS-CBN News
  • May mensahe si Vice Ganda bilang paggunita sa anibersaryo ng ABS-CBN shutdown
  • “Ang pamilya ‘di sinusukuan,” wika ng komedyante sa Twitter
  • Hindi rin umano nagtagumpay ang mga nagpasara sa ABS-CBN

Mayo 5. 2020; ito ang petsang nagdulot ng labis na kalungkutan hindi lang sa mga tagasuporta ng ABS-CBN, kung hindi pati na rin sa mga artistang Kapamilya dahil sa pagsasara ng media giant matapos mag-expire ang prangkisa ng kumpanyang pag-aari ng pamilya Lopez.

Makaraan ang isang taon, nananatiling matatag pa rin ang ABS-CBN kahit pa ilang talent nito ang lumipat na ng ibang bakuran dahil sa kawalan ng proyekto.

Imahe mula sa ABS-CBN

Subalit may ilan pa ring piniling manatiling Kapamilya at kabilang na rito si Vice Ganda na napapanood pa rin sa ‘It’s Showtime’.

Sa kaniyang social media account, naglabas ng saloobin ang popular na comedian-host para alalahanin ang unang anibersaryo ng kumpanyang naging daan ng kaniyang kasikatan sa showbiz.

“Isang taon na ang nakalipas nang tangkain ng mga ganid at masasamang loob na ang mga KAPAMILYA ay mapagkaitan ng serbisyong kailangang kailangan nila lalo sa panahon ng pandemya,” bahagi ni Vice sa Twitter kalakip ang isang imahe ng bagong ABS-CBN slogan na “Andito kami para sa iyo”.

Screenshot mula sa Twitter

“Ngunit di sila lubos na nagtagumpay. Dahil andito pa rin kami at patuloy na isinasabuhay,” dagdag pa ng komedyante.

Noong Hulyo, isa si Vice Ganda sa mga sumugod sa lansangan para sa isang ‘solidarity caravan’ kasama ang iba pang Kapamilya talents at supporters upang ipahayag ang kanilang suporta sa renewal ng ABS-CBN franchise.

Nabigo man ang mga ito, nagpatuloy pa rin ang comedian-host at kaniyang mga kasamahan sa pagbibigay-saya sa ‘It’s Showtime’ at iba pang programa ng ABS-CBN na nakahanap ng ibang tahanan at platform upang ‘wag matigil ang pag-ere ng kanilang mga shows.

Screenshot mula sa Twitter

“Ang sinumpaang linyang “In the service of the Filipino worldwide”. Ang pamilya ay di sinusukuan. Nahihirapan ngunit nagtatagumpay. Andito pa rin kami para sa’yo KAPAMILYA!” wika pa ni Vice sa kaniyang Twitter post.

Samantala, umaasa naman ang ilang mambabatas sa Kamara na kaalyado ng ABS-CBN na muling matatalakay ang prangkisa nito sa pagpapalit ng administrasyon.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot