- Isang Pinoy na residente sa Amerika ang kauna-unahang ginawan ng COVID-to-COVID double lung transplant
- Ang lung donor ay isang pasyente na naka-recover mula sa COVID, subalit nasawi dahil sa ibang dahilan
- Tagumpay ang isinagawang transplant sa Pinoy na isang taon ang binuno sa loob ng pa
gamutan
Isang taong nakipagbuno sa COVID-19 ang Pinoy immigrant sa United States na si Renato Aquino. Patungo na siya sa ganap na paggaling matapos isailaim sa double lung transplant. Amazing recovery!
Tinawag na COVID-to-COVID double lung transplant ang isinagawa ng mga doktor kay Aquino dahil ang lungs na ibinigay sa kanya ay mula sa isang donor na nakarekober mula sa COVID-19 subalit kalaunan ay nasawi dahil sa ibang dahilan.
Tatlumpung taon na ang nakalilipas simula nang manirahan si Aquino sa Amerika. Nagta-trabaho siya sa isang pagamutan sa Illinois bilang plebotomist o blood technician.
Noong May 14, 2020 ay nagtungo sa pagamutan si Aquino dahil kinakapos siya ng hininga sanhi ng coronavirus infection.
“I was a healthy guy with no underlying conditions, but my symptoms started with a fever and quickly got worse. On May 14, I called my niece and said, “I can’t breathe – I’m going to the emergency department.” From that day on, my life completely changed,” kuwento ni Aquino matapos ang matagumpay na double lung transplant.
Ilang buwan siyang ginamitan ng ventilator at kalaunan ay inilipat sa ibang pagamutan upang gamitan ng extracorporeal membrane oxygenation (ECMO); isang life support machine na tumutulong sa heart at lungs niya.
Makalipas ang dalawang buwan sa ECMO ay ibinalik siya sa ventilator dahil hirap pa ring maka-recover ang kanyang mga baga.
Kuwento ng pamangking si Tasha Sundstrom, ilang beses na raw silang sinabihan ng mga doktor na sabihin na kay Aquino ang kanilang “final goodbyes” at ihanda na ang pagpapalibing sa tiyuhin.
“I did all the arrangements and the next day he proved us wrong. He wanted to live,” ani Tasha Sundstrom.
Nabalitaan ni Sundstrom na ang Northwestern Memorial Hospital ay nagsasagawa ng lung transplants. Binanggit niya ito sa mga doktor ng kanyang tiyuhin kaya nailipat ito doon noong buwan ng Pebrero. Agad inilagay si Aquino sa lung donor waiting list.
Isang linggo lang ang lumipas ay may nahanap nang lung donor.
“When our team got the call that lungs were available from a donor who previously had the virus, we knew a ‘COVID to COVID’ lung transplant was his best shot at survival. After spending one week on the transplant waiting-list, Renato received beautiful, healthy lungs, marking a new milestone for lung transplantation. There’s no evidence of any reactivation of COVID-19 in Renato’s lungs and he’s on track for a full recovery,” ayon kay Dr. Ankit Bharat.
Nakalabas na sa pagamutan si Aquino. Maganda umano ang kanyang pakiramdam at hindi na niya mahintay ang paborito niyang gawin – ang mag-karaoke.
No comments:
Post a Comment