- Pfizer COVID-19 vaccine maaari nang gamitin sa mga minors na edad 12 hanggang 15
- Ito ay matapos mag-apply ang Pfizer-BioNTech ng amendment sa EUA para sa kanilang vaccine para magamit sa mga nabanggit na menor de edad
- Ang delivery ng Pfizer COVID-19 vaccine mula sa WHO-COVAX facility ay bahagyang naantala
Inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) na nag-apply ang Pfizer ng amendment sa emergency use authorization (EUA) para sa kanilang COVID-19 vaccine upang magamit ito sa mga minors na edad 12 hanggang 15.
“Yung Pfizer-BioNTech, ‘yung pinakauna natin na binigyan ng EUA na vaccine, last week May 20, they applied for an amendment to include 12 to 15 year olds doon sa pwedeng gamitan ng bakuna,” pahayag ni FDA director general Eric Domingo.
“Ang ating mga experts, in-evaluate. In fact, early this evening, I already got the recommendations of our experts and it’s very favorable. Within the week, we will issue an amendment and we will be able to use it in children of 12 to 15 years old,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Domingo, sa oras na dumating ang mga Pfizer COVID-19 vaccines sa bansa ay magagamit na ang mga iyon sa mga nabanggit na menor de edad.
“So pag dumating po ‘yung maraming inorder ni Secretary Charlie (Carlito Galvez) na mga Pfizer, maaari na po itong gamitin sa mga batang 12 to 15 year old,” aniya.
Ang 2.2 million doses ng Pfizer vaccines mula sa World Health Organization-COVAX facility na inaasahang darating ngayong buwan ng Mayo ay bahagyang naantala, ayon kay Sec. Galvez.
“We had what we call a slip or there were vaccines that we expected in May that did not arrive. Then the Pfizer that were supposed to arrive in May will instead arrive in June. What’s good here is that we did not lose these vaccines. Their delivery was just moved to June 7 to 11,” paliwanag ng kalihim.
Samantala, ipinahayag ng FDA na sinimulan na nito ang pag-evaluate sa mga dokumentong isinumite ng Sinopharm ng China sa application nito ng EUA para sa kanilang COVID-19 vaccine.
No comments:
Post a Comment