Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Sunday, 25 September 2022

Mga residenteng magpapabakuna sa Pampanga maaaring manalo ng baka


Public domain image
  • Maaaring mapanalunan ng mga bakunadong residente ng San Luis, Pampanga ang isang baka
  • Inilunsad ni Mayor Jayson Sagum ang “Baka para sa Bakuna” program upang mahikayat ang mga residente na magpabakuna
  • Ang programa ay magsisimula sa Setyembre at matatapos sa Agosto 2022 kung saan isang baka kada buwan ang ipara-raffle

Sa hangad na mahikayat ang lahat ng kaniyang constituents para magpabakuna kontra COVID-19, inilunsad ni San Luis, Pampanga Mayor Jayson Sagum ang Baka para sa Bakuna program.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Jayson Sagum

Sa ilalim ng programa na sisimulan sa buwan ng Setyembre, ang mga residenteng magpapabakuna ay magkakaroon ng pagkakataon na manalo ng isang baka.

Ayon kay Mayor Sagum, ang proyekto ay magtatagal hanggang sa Agosto 2022. Aniya, kada buwan ay isang baka ang mapapanalunan ng maswerteng residente na nagpabakuna.

“This is one of our ways to encourage more residents to get vaccinated against COVID-19. One resident may win a cow each month which they can butcher up and sell or share with their families and neighbors. This is one of our ways to encourage more residents to get vaccinated against Covid-19,”,” anang alkalde.

Aniya, target ng kaniyang administrasyon na makamit ang 100% vaccination rate sa San Luis at maideklara ito na COVID-free municipality.

Nilinaw ni Mayor Sagum na ang pondo para sa programa ay hindi manggagaling sa munisipyo kundi sa mga private donors.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Jayson Sagum

“We are looking at around P20,000 to P25,000 worth of live cow per month so I am really knocking at the hearts of my friends and anybody who wants to help us in our little program. Let us be instruments in encouraging others to have themselves protected against Covid-19,” aniya.

Ang mga residenteng nabakunahan na bago pa ilunsad ang programa ay kasali rin sa mga posibleng  manalo ng baka. Bilang proof of entry, kailangan lang ipakita ang vaccination card kahit isang dose pa lang ang natatanggap.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot