Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 24 September 2022

Lalaking umano’y nasa likod ng ‘vaccination slots for sale’ sumuko na; itinanggi na sangkot sa modus


Imahe mula sa MMDA-Facebook
  • Sumuko kay MMDA chair Abalos ang lalaking nasa likod umano ng ‘vaccination slots for sale’
  • Napag-alaman na anak pala ito ng isang barangay councilor sa Mandaluyong City
  • Itinanggi naman ng lalaki na sangkot siya sa naturang modus

Sumuko na sa pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lalaki na itinuturong nasa likod ng ‘vaccination slots for sale’ sa Mandaluyong City na kumalat sa social media kamakailan.

Kusang sumuko kay MMDA chairman Benhur Abalos ang lalaki na nakilalang si Kyle Bonifacio, 22 anyos at anak umano ng isang barangay councilor sa Mandaluyong.

Screesnhot mula sa MMDA-Facebook

Mariin namang itinanggi ni Bonifacio ang mga akusasyon laban sa kaniya tungkol sa diumano’y pagbebenta ng vaccination slots na nagkakahalaga ng P10,000 hanggang P15,000 depende sa klase ng pipiliing COVID vaccine.

“Hindi po talaga ako nagbenta but ‘yung resibo po na ‘yun ay kusang bigay po sa akin nung taong ‘yun, ‘yun lamang po,” paliwanag ni Bonifacio na hindi na sinabi kung sino ang ‘taong’ nagbigay sa kaniya ng resibo.

Magugunitang nakausap ng ABS-CBN News ang isang netizen na nagbulgar tungkol sa natanggap niyang alok mula sa ‘dating kaibigan’ para sa ibinebentang vaccination slots. Ibinahagi pa ng netizen sa social media ang screenshot ng kanilang naging usapan.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Itinanggi rin ni Bonifacio na konektado siya sa Mandaluyong LGU at wala rin umanong alam ang kaniyang tatay na konsehal. Umamin rin ang lalaki na halos tatlong taon na silang hindi nagkikita ng kaniyang magulang kaya hindi nito alam ang kaniyang gawain.

Dismayado naman ang tatay matapos malamang ang anak niya pala ang tinutukoy na nasa likod ng modus.

“First and foremost po wala po akong koneksiyon sa LGU dahil isa lamang po akong batang estudyante at malabo po akong magkaroon ng ganoong koneksiyon,” wika pa ni Bonifacio.

Imahe mula sa MMDA-Facebook

Tiwala naman si Bonifacio na wala siyang kinalaman sa naturang modus at lumabas lamang siya sa publiko para linisin ang kaniyang pangalan.

Samantala, ipauubaya na ni Abalos sa PNP ang imbestigasyon sa naturang kaso. Ang mahalaga raw ngayon ay natuldukan na ang modus bago pa man ito lumaki.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot