Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Sunday, 11 September 2022

Pang. Duterte, inatasan ang PNP na dakpin at ikulong ang mga hindi maayos magsuot ng face mask


Screenshot mula sa SMNI video
  • Inatasan ni Pres. Duterte ang PNP na dakpin at ikulong ang mga maaaktuhang walang suot o hindi maayos ang pagkakasuot ng face mask habang nasa public places
  • Paliwanag ng Pangulo, kailangan niyang maging istrikto upang mapigil ang lalo pang pagkalat ng COVID-19 sa bansa
  • Sabi ng CHR, posibleng maabuso ang panghuhuli na magreresulta sa pagsisiksikan sa mga detention facilities na magsasanhi ng lalo pang pagdami ng COVID-19 cases

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na dakpin, imbestigahan at idetine ang mga taong maaaktuhang walang suot na face mask o kaya’y hindi maayos ang pagkakasuot nito habang nasa pampublikong lugar.

Imahe mula sa PCOO

“Itong mask, yung iba, for compliance lang, naglalagay ng mask pero nakalabas ‘yung ilong. I-detain mo tapos imbestigahin mo siya kung bakit ganoon ang behavior nila,” sabi ng Pangulo sa kanyang public briefing noong Miyerkules, ika-5 n g Mayo.

Paliwanag ng Pangulo, kailangan niyang maging istrikto upang mapigil ang lalo pang pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Aniya, kahit bumababa na ang bilang ng mga bagong kaso nito ay hindi dapat magpaka-kampante.

“So we will have to ask our police to be more strict. So hulihin talaga. A little shame would put them on notice forever. Sino ba namang gustong mahuli ka. But if you are brought to the police station and detained there, that would give you a lesson for all time,” aniya.

May agam-agam naman ang Commision on Human Rights (CHR) sa direktiba ng Pangulo dahil wala pang malinaw na guidelines hinggil sa pagdakip sa mga lumalabag sa health protocols. Posible umanong maabuso ang panghuhuli na magreresulta sa pagsisiksikan sa mga detention facilities na maaaring magsanhi ng lalo pang pagdami ng COVID-19 cases.

Screenshot mula sa SMNI video

“In the absence of clear guidelines, we are concerned that such directive may be prone to excessive discretion and abuse… Given the overcrowded conditions of jails and other detention facilities in the Philippines, detention may not be sound in preventing the further spread of COVID-19 in communities,” wika ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia.

Para naman sa National Union of People’s Lawyers (NUPL), dapat ay mamigay na lang ng libreng face mask at maglunsad ng information campaign.

“Shouldn’t simply providing face mask for free to those who cannot afford them and launching massive popular information drives do the trick rather than overpacking our already cramped and congested jails?” tanong ng NUPL.

Ang payo naman ni Senate President Tito Sotto sa publiko ay sumunod na lang at magsuot ng face mask para walang problema. Sa tagal nga naman ng pandemya, hindi pa ba sanay mag-ingat ang mga tao?

Screenshot mula sa SMNI video

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot