Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Sunday, 11 September 2022

Carpio kay Duterte: “Siya ang humamon, tinanggap ko ‘yung hamon”


Imahe mula sa Facebook
  • Ipinagkibit-balikat na lamang ni Carpio ang pag-atras ni Duterte
  • Hindi naman daw siya ang unang naghamon, ayon sa dating mahistrado
  • Ipinagtanggol naman ni Panelo ang pag-atras ng Pangulo

Ipinagkibit-balikat na lamang ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang pag-atras ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sariling nitong hamon na debate tungkol sa usapin ng West Philippine Sea.

Ani Carpio, si Duterte naman ang unang naghamon ng debate sa kaniya at nakahanda naman sana siyang humarap anumang oras.

Imahe mula sa CPU

“Siya ang humamon, tinanggap ko ‘yung hamon para lahat ng tao can understand kung ano ang issue sa West Philippine Sea,” pahayag ni Carpio sa panayam ng Teleradyo nitong Sabado, Mayo 8.

Nanghihinayang man, privilege pa rin umano ng presidente ang umatras kung gusto niya.

“Maganda sanang okasyon iyon para we will all be educated kaya lang umatras siya. Hindi naman ako ang humamon, siya naman,” dagdag pa ng dating mahistrado.

Pointless, useless exercise

Hinggil naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala nang saysay umano kung tatanggapin pa niya ang hamon nito sapagkat kung ano-anong usapin na ang nais nitong pagtalunan sa debate na wala naman sa binanggit noon ni Duterte.

Hindi naman raw dapat pagtalunan pa ang mga sinabi ni Roque dahil wala namang ‘factual dispute’ na ang Scarborough Shoal ay kinamkam ng China sa panahon ng administrasyong Aquino, na ang Mischief Reef ay noong Ramos administration, at nilabag talaga ng China ang international law.

Imahe mula sa GMA News

“Hence, it is pointless to debate about Scarborough Shoal and Mischief Reef. I will not engage in a useless exercise that will only detract the public’s interest on the vital outstanding issues on the West Philippines Sea, like the President’s continuing false claim that ‘China is in possession of the West Philippine Sea,’” wika pa ni Carpio.

Hindi isang karuwagan

Samantala, ipinagtanggol naman ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang pag-atras ng Pangulo sa debate nila ni Carpio.

Sa kaniyang programang ‘Counterpoint’, iginiit ni Panelo na hindi ito isang karuwagan bukod pa sa maaari lamang gamitin ni Carpio ang presidente para sa ‘media mileage’. Maliban dito, malinaw na naman daw ang posisyon ni Duterte pagdating sa usapin ng WPS.

Screenshot mula sa PTV News

“This is not cowardice, in the first place there is no reason for a debate since the position of President on the issue is clear,” paliwanag ni Panelo.

Maging siya man umano ay papayuhan din si Duterte na huwag nang ituloy ang debate. Maaari lang daw itong gawin kung kapwa tatakbo sa eleksiyon ang dalawa, na hindi naman maaaring mangyari sapagkat pinagbabawalan na ng Konstitusyon ang nakaupong presidente.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot