- Nag-isyu ang FDA ng CPR sa Ivermectin para gamiting anti-parasitic medicine sa mga tao
- Nilinaw ng FDA na ang pag-isyu ng CPR ay hindi nangangahulugan na ang Ivermectin ay maaring gamitin para malunasan o mapigilan ang pagkakaroon ng COVID-19
- Ang pagbibigay ng CPR sa Lloyd Laboratories ay nagangahulugan na ang Ivermectin ay maaari nang ibenta sa merkado at bilhin ninuman na mayroong reseta mula sa doktor
Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo noong Biyernes, May 7, na nag-isyu ang ahensya ng certificate of product registration (CPR) para sa locally-manufactured Ivermectin bilang anti-parasitic drug para sa mga tao.
“Lloyd Laboratories applied for a CPR for locally manufactured Ivermectin as an anti-nematode drug. It was granted after they submitted data to support quality and stability of the product,” pahayag ni Domingo.
Ang nematode ay roundworms; isang uri ng bulateng parasitiko.
Nilinaw ni Domingo na ang pag-isyu ng CPR ay hindi nangangahulugan na ang Ivermectin ay maaring gamitin para malunasan o mapigilan ang pagkakaroon ng COVID-19. Aniya, ang purpose ng naturang gamot ay anti-parasitic.
Ang pagbibigay ng CPR sa Lloyd Laboratories ay nangangahulugan na maaari na itong ibenta sa merkado at bilhin ninuman na mayroong reseta mula sa doktor.
Pinuri ni Anakkalusugan Partylist Representative Mike Defensor ang desisyon ng FDA na mag-isyu ng CPR para sa Ivermectin. Aniya, isa itong “great victory for the advocates of Ivermectin.”
“I congratulate the doctors who stood their ground knowing that Ivermectin will save our people, especially the poorest of the poor. I hope the medical associations will retract their statements against our Ivermectin doctors and we all work together in fighting COVID-19. Off-label prescription is the right of every doctor and patients fighting for their lives,” sabi ni Rep. Defensor.
Sa kasalukuyan ay pinagdedebatehan pa rin ang paggamit ng Ivermectin kontra COVID-19.
May mga manggagamot na nagrerekomenda nito at may mga pasyenteng nagsasabing natulungan sila ng Ivermectin. May mga medical experts naman na nagsasabing walang katibayan na nalulunasan nito ang COVID-19.
No comments:
Post a Comment