Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Sunday, 25 September 2022

NCR mayors nais na luwagan pa ang restrictions sa Metro Manila – MMDA chair


Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Irerekomenda ng mga alkalde sa Metro Manila na luwagan ang restrictions sa NCR simula Hunyo
  • Ito ay upang bigyang daan ang pagdagdag sa kapasidad ng mga negosyo sa rehiyon
  • Sinabi naman ng OCTA na kailangang paghandaan na rin ng gobyerno ang pag-relax sa health protocols

Pabor ang mga alkalde sa Metro Manila na mas luwagan pa ang quarantine restrictions sa kanilang mga lungsod sa susunod na buwan.

Sa kasalukuyan ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ‘heightened restrictions’. Ito ay ipinatupad simula noong Mayo 15 at nakatakdang magtapos sa Mayo 31.

MMDA chair Benhur Abalos

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin Abalos Jr., nagpulong nitong Miyerkules ang Metro Manila Council (MMC) at kanilang napagkasunduan na irekomenda sa national government ang pagluluwag sa restrictions simula sa Hunyo.

“Ang napag-usapan po kagabi ay to open more businesses or activities at kung puwede ay lakihan ang capacity ng mga activities, ng mga negosyo,” ani Abalos sa panayam ng GMA News.

Nakatakda na umano silang makipag-usap sa IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases) nitong Huwebes para pag-usapan ang kanilang proposal.

File photo, MMC meeting

“We will always be guided by the IATF,” dagdag pa ng opisyal.

Samantala, sinabi naman ng isang eksperto mula sa OCTA Research Group na kailangan nang maghanda ang gobeyrno sa unti-unting pagrelaks ng public health protocols lalo pa’t patuloy na dumadami na ang natuturukan ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Fr. Nicanor Austriaco O.P., isang biology professor, ngayon pa lamang ay dapat maghanap na ang pamahalaan ng paraan kung paano luluwagan ang protocols lalo na para sa mga naka-kumpleto na ng bakuna.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“I think the government should be ready to gradually relax the minimum health standards as more and more Filipinos are vaccinated, to do two things: To give us hope and to give an incentive to those who are hesitant,” ani Fr. Austriaco.

Nauna nang inirerekomenda ng OCTA na palawigin pa ang GCQ status sa NCR Plus hanggang Hunyo. Bagama’t may pagbaba na umano sa bilang ng mga nahawahan ng COVID, medyo mataas pa rin ito kumpara noong mga nagdaang buwan.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot