Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Tuesday, 13 September 2022

Mga nahuling walang face mask sa QC, sinita lang at binigyan pa ng mask


Screenshot mula sa GMA News video
  • Sinimulan na ng PNP na manita ng mga walang suot na face mask at face shield
  • Subalit sa QC ay pinagsabihan lamang muna ang mga nahuli at binigyan pa ng face mask
  • Ito ay kahit may ibinaba nang kautusan ang Palasyo na ikulong ang mga mahuhuling lalabag

Kahit pa may inilabas nang kautusan ang Palasyo na hulihin at ikulong ang mga mahuhuling walang suot na face mask, pinairal pa rin ng kapulisan ang ‘maximum tolerance’ para sa kanilang mga nasita sa Quezon City nitong Lunes.

Matapos maglibot sa EDSA, ilang violators, kabilang na ang mga vendors at mga senior citizen na nakatambay sa bangketa, ang nasita ng mga nag-iikot na miyembro ng PNP subalit imbes na arestuhin ay pinagsabihan lamang nila ang mga ito.

Screenshot mula sa GMA News video

Matapos pangaralan na mali ang kanilang ginagawa at maaari silang ikulong dahil dito ay binigyan na lamang ng isang supot na face mask ang mga nasita.

Inamin naman ng isang vendor na hindi niya sinasadya ang nangyari dahil mayroon naman siyang suot na face mask subalit bumababa ito nang hindi niya namamalayan.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong isang linggo na arestuhin na at ikulong ang mga mahuhuling walang suot o mali ang pagsuot ng face mask at face shield sa publiko.

Screenshot mula sa SMNI video

Inatasan na rin ng Palasyo ang Department of Justice (DOJ) na magbalangkas ng guidelines tungkol dito.

Subalit tiniyak naman ng bagong-talagang PNP chief na si Lt. Gen. Guillermo Eleazar na bagama’t may huhulihin sa mga lalabag sa nabanggit na kautusan, hindi naman daw ito ikukulong at pauuwiin na makaraan ang 12 oras na pananatili sa mga holding areas.

“Walang parurusahan… dahil nilinaw natin, hindi dapat nagpaparusa ang pulis. At dapat wala ding papahirapan,” ani Eleazar.

Screenshot mula sa GMA News video

Maliban dito, dapat daw siguruhin muna ng kapulisan na mayroong pagdadalhan na mga holding areas bago mang-aresto ng mahuhuling lumabag sa kautusan. Kailangan daw ay masusunod pa rin ang physical distancing at iba pang health protocols sa mga paglalagakan sa kanila.

Kaya kung hindi na magkasya sa mga presinto, mas makabubuti umanong dalhin na lamang ang mga nasita sa barangay hall at baskeball court.

Ayon sa talaan ng PNP, umabot na sa 15,555 ang kanilang nahuli na walang suot na face mask simula Mayo 6 hanggang Mayo 9.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot