Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Tuesday, 13 September 2022

‘Black fungus’ pinababantayan na rin sa mga pasyenteng may COVID-19 sa India


Imahe mula sa News 18
  • Dumarami umano ang napaulat na kaso ng ‘black fungus’ sa mga pasyenteng may COVID sa India
  • Ang ‘black fungus’ ay isang ‘di pangkaraniwan subalit mapanganib na infection
  • Partikular na tinatamaan nito sa India ang mga pasyenteng may diabetes

Hindi pa man natatapos ang tinaguriang ‘second wave’ ng coronavirus sa India, nahaharap na naman sa bagong hamon ang medical community sa naturang bansa dahil sa pagsulpot ng isa pang sakit na kumakapit rin sa mga pasyenteng may COVID-19.

Pinaalalahanan na ng gobyerno ng India ang mga doktor at medical expert na tumitingin sa mga COVID patients na maging alerto sa mga posibleng sintomas ng mucormycosis o “black fungus”; isang hindi pangkaraniwan subalit mapanganib na infection.

Imahe mula sa Times of India

Partikular na naghahatid umano ng peligro ang ‘black fungus’ sa mga pasyenteng may diabetes o immunocompromised system at karaniwang sintomas nito ay pananakit ng sinus, nasal blockade sa isang bahagi ng mukha, pananakit ng ulo sa isang bahagi, pamamaga o pamamanhid, pananakit at pagluwag ng ngipin.

Ayon sa mga ulat, ilang pasyente na may COVID-19 sa India ang dinapuan na rin ng ‘black fungus’. Naniniwala ang mga doktor na ang mucormycosis, lalo na sa mga diabetic, ay maaaring dulot ng paggamit ng steroids.

Ang steroids ay nakatutulong panlaban kontra COVID lalo na upang maiwasan ang pamamaga ng baga. Subalit nakakapagpababa rin ito ng immunity at maaaring magdulot ng pagtaas ng sugar levels.

Imahe mula sa Science

Sa pagkakataong bumaba na ang immunity at tumaas ang sugar levels ng isang pasyente, dito na umano maaaring tumama ang mucormycosis.

Ilang pasyente na rin ang naitalang tinamaan ng ‘black fungus’ partikular na sa mga state ng Maharashtra, Gujarat at New Delhi. Ilan sa kanila ay hindi na pinalad na gumaling habang ang iba naman ay kailangang tanggalan ng mata upang mailigtas.

Ano ang mucormycosis?

Ang mucormycosis o ‘black fungus’ ay bibihirang uri ng infection. Ito ay karaniwang nakukuha kapag ang isang tao ay na-expose sa mucor mould na matatagpuan sa lupa, halaman, dumi ng hayop, at mga nabubulok na prutas at gulay.

Imahe mula sa Swarajya

Bagama’t may naitala na ring katulad na sakit sa mga bansang UK, US, France, Austria, Brazil at Mexico, pinakamarami umano ang nakita sa India nitong mga nagdaang buwan.

Hindi rin maipaliwanag pa ng mga medical experts kung bakit mas dumami ang kaso nito sa India nitong ‘second wave’ kumpara noong ‘first wave’ ng nakaraang taon.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot