Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Tuesday, 13 September 2022

Gobyerno pinare-refund ang P1.04-B mula sa ‘palpak’ na contractor ng public wifi na hindi naikabit


Imahe mula sa DICT – Facebook
  • Sinisingil ng refund ng gobyerno ang contractor ng free public wifi na hind naikabit
  • Nasa mahigit P1-B ang hinihinging refund ng DICT, ayon sa Palasyo
  • Lumalabas na nasa 10,000 pa lamang ang naikabit kumpara sa target na 120,000

Ipinare-refund na ng gobyerno ang perang ibinayad sa banyagang contractor ng public wifi hotspots dahil sa kabiguan ng huli na maabot ang target nito makaraan ang halos apat na taon.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakikipag-ugnayan na ang Department of Information and Communication Technology (DICT) sa United Nations Development Program (UNDP) na siyang nag-implement ng programa upang maibalik ang nasa $21.8-M o halos P1.04-B na naibayad sa contractor.

Imahe mula sa DICT

Bagama’t ang UNDP ang nag-implement ng kontrata, kumuha naman ito ng banyagang contractor – ang Speedcast- na isang Australian firm, para mag-import ng telecom equipment para sa free wifi hotspot program ng DICT.

Na-terminate na rin kontrata sa pagitan ng UNDP at gobyerno ng Pilipinas. Nagpadala na umano ng demand letter ang DICT sa contractor para maibalik ang naturang halaga.

“Ang demand po nila ay itigil ang proyekto dahil DICT na po ang gagawa ng proyekto at yung mga pera na naibayad na sa kanya na hindi naman niya naikabit by way of Wi-Fi spots ay dapat ibalik,” ani Roque sa isang pahayag noong isang araw.

Imahe mula sa DICT – Facebook

Noong 2017 pa nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para sa free public wifi subalit makaraan ang apat na taon ay nasa 10,000 pa lamang ang naikakabit ng Speedcast kumpara sa target nitong 120,000 o halos 8.3 porsiyento lamang.

Noong nakaraang buwan, nadiskubre din ng Bureau of Customs (BOC) na ina-undervalue ng Speedcast ang mga equipment na kanilang ini-import at nanunuhol din umano ng mga kawani ng ahensiya.

Imahe mula sa DICT

Samantala, tiniyak naman ni Roque na hindi makaaapekto ang pagka-terminate ng naturang kontrata sa free public wifi program ng pamahalaan. Sa halip, baka raw mapabilis pa ito dahil lumalabas na kaya naman palang gawing mismo ng DICT ang naturang proyekto.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot