Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 10 September 2022

Eleazar may banta sa mga ‘kotong cops’ at ‘pulis patola’: “You will hate me”


Imahe mula sa PTV
  • Binantaan ni Eleazar ang mga ‘kotong cops’ at ‘pulis patola’ na agad niya itong tatanggalin sa serbisyo
  • Nababahiran daw kasi ng mga ito ang magandang imahe ng PNP
  • Tiniyak rin ni ELeazar na magiging mabuting ehemplo siya ng kaniyang mga tauhan

Binantaan ng bagong talagang PNP chief na si Lt. General Guillermo Eleazar na hindi siya magdadalawang-isip na tanggalin sa puwesto yaong mga tinatawag na ‘hoodlums in uniform’ sa hanay ng kapulisan.

Ayon kay Eleazar, kaya nababansagang ‘kotong cops’ at ‘pulis patola’ ang iba nilang kasamahan ay dahil na rin umano sa ‘few bad eggs’ sa kanilang organisasyon na nasasangkot sa katiwalian at nababahiran ang imahe ng PNP.

Imahe mula sa PNP-Facebook

“Sa mga natitirang hoodlum in police uniforms, sisiguraduhin ko sa inyo, you will hate me. Hindi ako magdadalawang-isip na magtanggal ng mga tiwaling pulis dahil sa laki ng sweldo na binibigay sa atin ng ating gobyerno at benepisyo, sigurado akong madaming gustong pumalit sa inyo,” ani Eleazar sa kaniyang talumpati bilang bahagi ng pagtanggap ng kaniyang bagong puwesto.

Tiniyak rin ng bagong PNP chief na malalagay sa mabuting mga kamay ang hanggang sa kahuli-hulihang sentimo na ipinasasahod sa kanila ng taumbayan.

Imahe mula sa Official Gazette

Kabilang sa unang ipatutupad ni Eleazar ay ang  “Intensified Cleanliness Policy” o (ICP) upang tugunan ang maliliit na isyu sa serbisyo bago pa man ito lumaki at lumala pa. Kabilang na rito ang tiyaking malinis ang lahat ng tanggapan, presinto at istasyon.

“Kung sa bukana pa lang ng police station ay makikita na ang nagkalat na upos ng sigarilyo at basurang nagkalat, at kung sa bukana pa lang ay mapanghi na ang simoy ng hangin, mahihirapan tayong makuha ang respeto at tiwala ng ating mga kababayan na ating pinagsisilbihan,” wika pa ni Eleazar.

Imahe mula sa PNP-Facebook

Bilang bagong pinuno ng mahigit 200,000 na puwersa ng kapulisan, idineklara ni Eleazar na magiging ehemplo siya ng kaniyang mga tauhan.

“As I signed my assumption of office, I also signed a contract with the Filipino people that I will lead by example,” ayon pa sa bagong hepe ng PNP.

Nitong Biyernes, Mayo 7, pormal na isinagawa ang pagsasalin ng kapangyarihan bilang PNP chief kay Eleazar mula kay Brig. Gen. Debold Sinas na magreretiro na sa sa serbisyo sa Sabado sa pagsapit ng kaniyang ika-56 na kaarawan.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot