- Inspirasyon para sa maraming netizen ang isang batang walang kamay ngunit masipag mag-aral
- Ibinahagi ng doktor na si Doc. Willie Ong ang kuwento ng bata na masipag mag-aral sa kabila ng kanyang kondisyon
- Dahil dito, ipinanawagan niya sa trending show na KMJS na i-feature ang bata at umabot sa marami ang kanyang kuwento
Bukod sa pagbibigay ng payong medikal online, isa na rin sa naging adbokasiya ng doktor na si Willie Ong ang pagtulong sa mga kapos-palad nating mga kababayan. Sa simpleng pagbibigay ng gadgets para sa online school, laruan para sa mga bata, at kaunting puhunan, marami nang napasasaya si Doc. Willie.
Sa isang Facebook post, isa sa mga nabigyan ng tablet ni Doc. Willie ang ipinanawagan niya rin ng tulong sa journalist na si Jessica Soho. Ayon kay Doc. Willie, bagay daw sa programa ng Kapuso journalist na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang kuwento ng bata.
Makikita sa post ni Doc. Willie ang kalagayan ng batang si EJ Verin. Wala kasing mga kamay at braso ang bata. Ngunit sa kabila ng kalagayan niya, nananatiling masigasig sa pag-aaral ang batang nakatanggap ng bagong tablet mula kay Doc. Willie.
Nakapagsusulat din ang bata gamit ang kanyang paa. Biro pa nga ni Doc. Willie, kahit daw paa ang gamit ng bata sa pagsusulat ay mas maganda pa rin daw ang penmanship nito kumpara sa kanya. Ngunit maliban sa kasipagan sa pag-aaral, hanga rin ang d0ktor sa pagiging masayahin ng bata.
“Pang-Kapuso Mo Jessica Soho siya, Ma’am Jessica. Tignan si EJ Verin. Kahit may pinagdaraanan, sobrang masiyahing bata. Ganda ng outlook sa buhay. Mas maganda pa penmanship niya kaysa sa akin. Haha. Ikaw ang magpapalakas ng loob sa maraming bata at Pilipino. God bless you talaga,” pahayag ni Doc. Willie Ong sa kanyang post.
Umani ng maraming papuri mula sa mga netizen ang batang si EJ. Habang isinusulat ang istoryang ito, nasa halos 60,000 reactions, 1,500 comments, at 1, 500 shares na ang nasabing post. Marami ang humahanga sa nakaka-good vibes na awra ng bata at ang katatagang ipinakikita nito.
“Wow. Galing naman ng batang ito. Talented! Ipagpatuloy mo lang iyan at inspirasyon ka sa mga batang ka-edad mo. God bless you!” komento ng isang netizen.
Ayon sa mga netizen, sana raw ay talagang mapansin ni Jessica Soho ang bata dahil malaking tulong kung siya ay mafe-feature sa programa. Isa kasi ito sa most-watched TV programs ngayon at maraming nagdo-donate sa mga katulad ni EJ bilang tulong.
No comments:
Post a Comment